Napalo ka na ba ng sinturon?

Sinulat ni Jake the Miserable

[Ang sumusunod ay kwento ng isang blogger, si Jake the Miserable, na nagbabalik-tanaw sa kanyang kabataan. Ipinasya naming ilathala dito dahil amin ding nasisilip ang aming mga sarili noong kami ay bata pa.]

larong pambataAng pinakaunang pagpaparusa na ginawa sa’kin nu’ng bata ako e ‘yung iniluhod ako sa munggo ng nanay ko. Siguro mga apat na taong gulang pa lang ako niyan. Nu’ng maglaon, umakyat na sa Level 2 ang parusang ito dahil idinagdag niya ang pagpapapasan sa’kin ng diksyunaryo sa kaliwang kamay ko at ang Banal na Biblya sa kanan habang nakaluhod sa asin.

Nu’ng maghiwalay ang mga magulang ko, lumaki naman ako sa piling ng mga kasambahay na hindi yata tumatagal sa’kin dahil sa talento ko sa katigasan ng ulo. Sa pagkaka-alala ko, laging kaming dalawa lang ng isang kasambahay ang naiiwan sa bahay dahil OFW pa noon ang tatay ko.

Isa sa mga paboritong nilang pagdidisiplina sa’kin ay ang pag-iwan sa’kin, mag-isa lang ako sa may tarangkahan ng bahay at madilim na silang uuwi. At dahil takot akong mag-isa sa dilim, madalas e dinadatnan akong humahagulgol. Umaabot yata sa New Zealand ang mga pagngangawa ko nu’n. Naging karaniwan na ring parusa sa’kin ang pagkakakulong sa madilim na CR mula anim na buwan hanggang isang taon.

Minsan namang lumagi ng matagal na panahon ang pinsang-buo ko sa bahay namin. Pinili niya kasi ang bahay naming bilang kanyang asylum. Siya ang nagtuloy sa pagpapalaki sa’kin, at siya rin ang nagturo sa’kin ng samutsaring mga bagay. Sa kanya rin ako nakatikim ng mala-Batas Militar na pandidisiplina. Ang sinturon ay ang primary weapon niya sa tuwing gagawa ako ng kapilyuhan, bukod sa napaka-generic na kurot at sampal.

Kung kasabayan kita ng panahon, malamang ay pinalaki ka sa siyesta, o ang compulsory na pagtulog sa tanghali. Ito ang isa sa mga pinaka-ayaw kong bahagi ng aking kabataan. Habang ang mga kaedaran ko ay masayang naglalaro at nagbibilad sa araw sa labas ng kanilang mga kural, pilit naman akong pinatutulog ng pinsan ko. Pinaka-ayaw ko ito dahil hirap na hirap naman talaga akong matulog sa tanghali. At kapag nalaman niyang hindi ako nakatulog sa tanghali, parusa niya sa-kin na hindi niya ako pinapabangon sa higaan hanggang 6pm. Saving grace ko ang boses ni Noli de Castro sa TV Patrol ito lagi ang nagsisilbing hudyat na napagsilbihan ko na ang sintensya ko. Kapag naman nakakatulog ako, reward niya sa’kin ang karapatang bumangon ng 4pm, lumasap ng masarap na merienda, at magsaya sa panonood ng mga cartoons (Shaider at Masked Rider Black naman kapag weekends).
Continue reading “Napalo ka na ba ng sinturon?”

Advertisements

Homecoming

Naaalala n’yo pa ba ang inyong high school love story? Narito ang isang maikling kwentong magpapaalala sa ating mga kilig moments noon. Sinulat ito ni Irish Mae Ignacio, at unang nalathala sa kanyang blog na may pangalang Tagalog Dito. Sana’y magustuhan n’yo at magbigay ng inspirasyon sa lahat na isulat at ibahagi sa amin ang inyong mga “musmos” na kwento ng pag-ibig.

***

Homecoming
Sinulat ni Irish Mae Ignacio

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso.

Sampung taon na ang nakalipas mula noong madamdaming araw ng inyong pagtatapos. Iginala mo ang iyong mga mata. Ang daming nagbago. Wala na ang mga dati ay pawisin at patpating batang kilala mo. Karamihan ay mga guro na, inhinyero, may mga namamasukan sa opisina at ang iba ay nagsimula ng maliliit na negosyo. Mayroon din namang nagsipag-asawa nang maaga at ngayon ay may mga anak na.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iba pang naroon nang mapatingin ka sa pintuan ng bulwagang pinagdarausan ng pagtitipon. Nandito na siya. Ang taong kaninang-kanina mo pa hinihintay. Mas tumangkad siya ngayon ngunit walang nabago sa maamo niyang mukha. Parang kahapon lang mula nang huli mong pinagmasdan ang kanyang mga mata, ilong at labi. Nandoon pa rin ang nunal niya sa kaliwang kilay. At sa wakas ay ngumiti siya. Biglang lumakas ang kabog ng iyong dibdib at natakot kang baka masira ang tatag na kaytagal mong inipon.

“Long time no see,” bati nito sa ‘yo at sa iba pa ninyong mga kaklase.

Awtimatikong sumilay ang ngiti sa labi mo na ilang ulit mong sinanay sa harap ng salamin. Pigil na pigil mo ang panginginig nito. Hindi maaaring mahalata ninuman na kinakabahan ka. Kailangan mong ipakitang ayos ka na at hindi na apektado ng kanyang presensya.

“Kumusta? Lalo kang gumanda,” baling nito sa ‘yo.

“Salamat. Heto, okay naman. Masaya,” ang sagot mo sa masiglang tinig.

Tumangu-tango ito samantalang binati mo naman ang iyong sarili sapagkat maayos mong nasabi ang iyong linya. Pang-best actress kumbaga.

Naupo ito sa lamesang kinauupuan mo at masayang nakipagkwentuhan. Palihim mo naman itong pinagmamasdan. Malikot pa rin ang kamay nito kapag nagsasalita at malutong pa rin itong tatawa. Accountant na pala ito ngayon sa isang multinational company. Napagtapos na rin nito ang dalawang nakababatang kapatid.

“Sa susunod, sa kasal ko naman ang reunion,” ang sabi nito. Nagniningning ang mga mata.

Biglang nanigas ang leeg mo. Wala ka ring maapuhap na salita habang ‘di naman magkamayaw ang mga kaklase ninyo sa pagbati at panunukso. Gusto raw sanang sumama ng nobya nito ngayon ngunit naudlot dahil sa trabaho. Matagal na raw talaga nilang balak magpakasal at alam na rin ito ng kanilang mga magulang. Imbitado raw kaming lahat.

Kasal? Ikakasal na pala siya. Habang ikaw ay namumuhay pa rin sa kahapon. Tandang-tanda mo pa rin ang sakit ng unang pagkabigo ng bata mong puso. Araw-araw ay binabalikan mo ang mga masasayang alaala ng tatlong taon ninyong relasyon.

“Tatlong taon din ‘yon pero bakit tila nakalimutan mo na?” gusto mo sanang itanong sa kanya ngunit pinigil mo ang iyong sarili.

Hindi ka iiyak. Hinding-hindi ka iiyak. Dahil bakit ka naman iiyak? Ano ba ang karapatan mong umiyak? Hindi mo naman iniisip na babalikan ka niya, ‘di ba? Natural lang din naman na makahanap na siya ng babaeng iibigin sa haba ng panahon mula nang matapos ang lahat sa inyo. Mahirap lang talagang tanggapin na nakalimot na ang lahat at ikaw na lang pala ang naiwan sa nakalipas.

Kaybuti ni Itay

baranggay article

Balak sana naming ilathala ang artikulong ito noong nakaraang Araw ng mga Tatay. Pero dahil sa maraming kaabalahan ay hindi na ito umabot. Kwento ito na sinulat ng aming kamag-aral na si Eva Llabres at nalathala sa Ang Baranggay (Setyembre-Oktubre 1977). Sana ay inyong magustuhan.

At pakiabangan na rin ang mga kwentong sinulat nina Lito Parungo, Jaime Borja, Ariel Dimacali, at iba pang kamag-aral.

***

Kaybuti ni Itay

Sinulat ni Minerva D. Llabres

Pangkaraniwang tsuper lamang si Itay. Nguni’t gayunpaman isa-isa niyang napag-aral ang aking mga kapatid ng mga kursong ibig nila. Aywan, nguni’t marahil ay sadyang bigo siya sa aking mga kapatid sapagka’t isa-isa silang nagsipag-asawa ilang buwan lamang makalipas ang kanilang pagtatapos.

Continue reading “Kaybuti ni Itay”

Buhay hayskul

Sayang at ngayon lang natin nabasa ang panawagang ito para sa mga artikulong tumatalakay sa buhay hayskul na nakalathala sa panitikan.com.ph. Nakapag-ambag man lang sana tayo tungkol sa ating mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran sa Lakan Dula. Di bale, aabangan na lang ang mga naisumiteng artikulo.

Panawagan para sa kontribusyon ng mga personal na sanaysay para sa Hay skul: mga sanaysay ukol sa hayskul sa Pilipinas

Ang saya ng high school 
Same in yours and my school 
Di na mapapantayan 
T’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
Alaala kaylan man

-Sharon Cuneta, “High School Life” (1981)

Kung hindi ka repeater, apat na taon lang dapat noon ang high school. Hindi tulad ngayon, anim na dahil sa lintek na K to 12. Pero andami-dami nating kuwento noon tungkol sa kabalbalan, sa mga kaaway at minamahal na mga titser at kaklase, sa pakikipagsapakan at pakikipagtarayan, sa pagmamahal sa isa lang, tapos sa dalawa, tapos sa iba pa at maraming-marami pang ibang totoong kuwento na ating naranasan, na hanggang ngayon, nakabaon sa ating gunita. Minsan nababalikan ang mga kuwentong ito sa mga high school reunion. Tatawa tayo nang tatawa na parang bago sa atin ang mga kuwento kahit na alam naman natin lahat ang kuwento, at gasgas na ito, honest, kada reunion.

Bakit di natin subukang isulat bilang personal na sanaysay para marami ang makatuklas sa ating pambihirang karanasan noong high school mula dekada 60, 70, 80 o 90 o sa mas nakalipas pang dekada at sa kailan lang?

Maaring paksain ang magaan at mabigat, sa mga guro at kaklase, sa pamilya sa panahong ito, sa kakakurampot na budget sa edukasyon, sa kalidad o kawalan nito ng mga fasilidad, mga first time, mga last time, pagiging sosyal at making tusok-tukok the fishball, wika, frats at orgs, ang historikal at personal, ang winning at losing moment, at iba pa.  Bahala kayo, at bahala na rin kaming pumili.

Nang manariwa muli sa atin. Higit sa lahat, sariwa ito para sa mga mambabasa ng bagong henerasyon.  Kahit pa, magiging alaala na lamang ang apat na taong high school.
Isa itong panawagan para sa mga manunulat (at oo, pati feeling manunulat) na mag-ambag ng orihinal at hindi pa nalalathalang personal na sanaysay na nagtatampok ng kanilang gunita noong nasa high school. Maikli lang, mga 1,500 hanggang 2,000 salita, Ingles o Filipino.

Isang personal na sanaysay para sa bagong henerasyon para sa ilalabas na antolohiya, tentatively titled “Hay-skul” na ie-edit nina Rolando Tolentino, Ferdinand Pisigan Jarin, at Joselito Delos Reyes.

Isumite ang word file, dalawang pangungusap na bio, at pangungusap na ang ipinasa ay orihinal sa awtor at hindi pa nalalathala sa roland.tolentino@gmail.com, kampaylakbay21@gmail.com, at jwedelosreyes@yahoo.com.

Ang dedlayn ay sa Mayo 31, 2016.  Maaring ipasa itong panawagan sa inyong mga kakilalang manunulat na interesadong makapagpasa.

Hihintayin namin ang inyong mga sanaysay.

Literary gems

In our previous post we promised we would be featuring poems published in the Valentine’s issue of The Barangay circa 1977. Featured poets are Conrad Santiago, Jorge Bagasan Jr., Zenaida Cervantes and George Hizon. Conrad and Jorge are from IV-3.

An ala-Tia Dely article written by Ana Marie Joaquin “for people with loveaches” is also published below.

Let’s enjoy these for now as we continue to rummage through our files for more literary gems.

love poems1

lovepoems zeny

lovepoems2

lovenotes

Ang kwento ni Mabuti

matute

Bilang bahagi ng aming pagpupugay sa panitikang Pilipino, aming inilalathala ang maikling kwentong ito na sinulat ng batikang manunulat na si Genoveva Edroza-Matute (1915-2009). Kung malimit kayong dumadalaw sa aming blog, marahil ay nabasa na rin ninyo ang Bangkang papel na nailathala na rin namin dito.

Ilang tala sa buhay ni Matute na nakalap namin:

Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na sinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edrosa at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit.

Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale — na kapatid ng kaniyang ama — doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya.

Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na magiging Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Kontrobersiyal ang buhay ni Aling Bebang dahil malinaw ang kaniyang paninindigan sa pagsusulong wikang pambansa. Ang ganitong tindig ay maaaring sanhi ng kaniyang masaklap na karanasan noong nasa elementarya, na inilakip ni Borlaza sa talambuhay ni Aling Bebang:

“Mabuti naman at mababait ang mga guro sa mga paaralang pinasukan ni Bebang, bagaman ang guro niya sa Unang Baitang ay may kakatuwang pamamalakad. Bawal na bawal noon ang pagsasalita ng Tagalog. Ang kanyang guro ay may malalim na bulsa sa saya (baro’t saya pa ang kasuotan ng mga gurong babae noon), na may lamang siling labuyo. Kapag may nahuli siyang mag-aaral na nagsasalita ng Tagalog ay dumudukot siya ng sili at pilit na ipinangunguya sa pobreng “nagkasala.” Sinasabitan din ng kartong may ganitong nakasulat: I was caught speaking the dialect.

Ang palakad na ito ay laganap noon sa buong Pilipinas. Hindi lamang Tagalog kundi lahat ng wikang pansarili ng iba’t ibang rehiyon ay ipinagbawal. Ito ay nanatili hanggang maging malaya na ang Pilipinas. Mabuti ang hangarin — upang matulungan ang mga mag-aaral na madaling matuto ng Ingles — subalit masama ang naging epekto sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Maliit pa siya’y naiisip na: “Biglang naipit sa desk  ang paa ko. Siyempre, masasabi ko ang Aray! Ang lagay ba, iisipin ko muna ang tawag doon sa Ingles, at pagkatapos ng mahahabang sandali ay saka pa ako dadaing ng Ouch!”

Continue reading “Ang kwento ni Mabuti”

Bangkang papel

Matagal-tagal na rin kaming di nakapaglathala ng likhang panitikan dito sa aming blog. Kaya babawi kami sa kwentong ito na sinulat ni Genoveva Edrosa-Matute, isang manunulat na una naming nabasa noong hayskul. Umiinog ang kwento sa maligalig na panahon ng batas militar noong dekada ’70.

Pansining mabuti ang dalisay na paggamit ng Filipino sa kwento, na nagpaalala din sa amin kay Gng. Correa, ang aming guro sa Pilipino. Kung mabasa niya ito, tiyak sunud-sunod niyang masasambit:  “Napakagandang pangungusap, pakiulit mo nga!”

Continue reading “Bangkang papel”