‘Pisay’ in Amsterdam

Have you seen “Pisay”? I was supposed to watch it last week in a theater here in Amsterdam, but failed to do so because of a two-day company meeting I had to attend. Tough luck! Anyway, try watching it. I heard we all can relate to this film, which documents the travails of a group of high school students. The film was directed by Auraeus Solito, the same guy behind the award-winning “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros”.

Continue reading “‘Pisay’ in Amsterdam”

Advertisements

Nora vs. Vilma

Dahil mga anak ng dekada ’70, tayo rin ay hindi nakaiwas sa labanang Nora Aunor at Vilma Santos. Kung hindi man tayo direktang mga tagahanga noon ng sinuman sa dalawa, tiyak na ang mga taong nakapaligid sa atin ay kabilang sa magkatunggaling kampo.

Vilma Santos

Mahigit tatlumpung taon na ang nakalipas mula noong kasagsagan ng kanilang kasikatan, at kung susuriin tila yatang wala pang nakapantay sa naabot ng dalawang aktres na ito. Sino ang makakalimot sa “Dekada ’70”, “Sister Stella L.”, “Bona”, “Himala”, at marami pang pelikulang tunay na maipagmamalaki ng Pilipinas.

Nora Aunor

Bukod sa eksena sa itaas, napanood ba ninyo ang “Ikaw ay akin”, isang pelikulang idinirehe ni Ishmael Bernal na kanilang pinagsamahan? Sa pelikulang ito’y magkalaban pa rin sila sa pag-ibig ni Christopher de Leon. Sa huling eksena ng pelikula, ilang minuto silang walang dialogue, nagtititigan lang, at pilit na ipinapahiwatig sa manonood ang gusto nilang iparating sa isa’t isa.

Sa post na ito, ating itutuloy ang kanilang mahigpit na tunggalian. Pero dadaanin natin sa kantahan. Tamang-tama naman na magpa-Pasko at nakahukay kami ng isang kantang may pareho silang version: ang “I saw mommy kissing Santa Claus”.

Pakinggang mabuti ang ang kanilang pagbigkas ng Santa Claus. Kung si Ate Vi ang masusunod, Santa Close dapat; si Ate Guy naman, mas gusto niya, Santa Klaws. Kayo na ang humusga kung sino ang panalo.

Pakinggan dito: Nora vs Vilma