Pagpupugay kay Jimmy

Matagal-tagal din bago natapos ni Eddie Roberto ang tribyut na ito para sa aming kaklase at matalik na kaibigang si Jaime Borja. Kung napanood n’yo yung isang bidyong ginawa niya tungkol sa katatapos nating reunion, pansinin n’yong hindi n’ya isinama si Jimmy. Sabi ni Eddie, ihiniwalay raw niya talaga para ispesyal.

At talaga namang ispesyal na tao si Jimmy.

Di na namin matandaan ang eksaktong petsa, pero yung araw na kami’y magkita-kitang muli sa Daangbakal para dumalaw sa kanyang burol ay hindi na yata mabubura sa aming isipan. Dalawampung taon na rin ang lumipas nang biglang magpasya si Jimmy na mauna na sa byahe. Wala pa siyang 30 taon nang talunin siya ng mabigat na karamdaman.

Isa sa matatag na haligi ng grupo si Jimmy. Kumbaga, isa siya sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkakasama pa ang buong barkada.

Marami pa kaming sasabihin tungkol sa kaklase naming ito, kaya pakiabangan na lang habang tinitipon pa namin ang kalat-kalat na mga kwento.

Larawang kupas

“Sa isang larawang kupas, ay aking nasilayang muli
Ang ating lumipas, kung maibabalik ko lamang
Panahon at ang oras, hindi sana lungkot
At pagsisisi ang dinaranas”

Hindi kami tutula sa post na ito. Gagamitin lang namin ang ilang linya ng kantang iyon ni Jerome Avalo bilang literal na deskripsyon ng mga larawang nahukay na naman namin sa aming mga lumang baul. Talagang mga kupas na kupas na at medyo nahirapan din kaming ibalik sila sa dating porma. Pero pagtyagaan na rin. Mas mainam na ito kaysa sa tuluyan silang mawala.

Yung picture sa itaas, si Nitz Mercado at si Larry Ramos. Mahiyain kasi si Larry noon kaya si Nitz na lang ang nagpasyang umakbay. 🙂 Kuha ito sa Ventura Annex, noong isa pa itong birheng gubat at wala pang nakatayong mga gusali.

Continue reading “Larawang kupas”

Angono days

Map of AngonoKung may susulat man ng kasaysayan ng IV-1 peps, siguradong hindi mawawala ang Angono sa kwento. Pagkatapos ng graduation sa high school, naging paborito na itong bakasyunan ng marami sa atin. Salamat kay Eddie Roberto, o sa parents niya na nakabili doon ng bahay at lupa, nagkaroon tayo ng isang ligtas at libreng lugar para magsama-sama.

Ang Angono ay isang munisipalidad na sakop ng lalawigan ng Rizal at may layong 30 kilometro mula sa Maynila. Binansagan itong art capital ng Pilipinas dahil dito nanggaling ang dalawang national artists na sina Lucio San Pedro para sa musika at Botong Francisco para naman sa sining.

Continue reading “Angono days”