
“Sa isang larawang kupas, ay aking nasilayang muli
Ang ating lumipas, kung maibabalik ko lamang
Panahon at ang oras, hindi sana lungkot
At pagsisisi ang dinaranas”
Hindi kami tutula sa post na ito. Gagamitin lang namin ang ilang linya ng kantang iyon ni Jerome Avalo bilang literal na deskripsyon ng mga larawang nahukay na naman namin sa aming mga lumang baul. Talagang mga kupas na kupas na at medyo nahirapan din kaming ibalik sila sa dating porma. Pero pagtyagaan na rin. Mas mainam na ito kaysa sa tuluyan silang mawala.
Yung picture sa itaas, si Nitz Mercado at si Larry Ramos. Mahiyain kasi si Larry noon kaya si Nitz na lang ang nagpasyang umakbay. 🙂 Kuha ito sa Ventura Annex, noong isa pa itong birheng gubat at wala pang nakatayong mga gusali.
Continue reading “Larawang kupas” →