Maynila sa mga kuko ng liwanag

Maynila sa mga Kuko ng Liwanag-75- Bembol Roco photo (2)

One of the best Filipino films of all time, “Maynila sa mga kuko ng liwanag” was shown in 1975. It was directed by Lino Brocka and based on the novel by Edgardo M. Reyes. In the cast were Bembol Roco, Hilda Koronel, Lou Salvador Jr., and Tommy Abuel. It is the only film from the Philippines that entered in the list of the book, 1001 Movies You Must See Before You Die.

Advertisements

Napalo ka na ba ng sinturon?

Sinulat ni Jake the Miserable

[Ang sumusunod ay kwento ng isang blogger, si Jake the Miserable, na nagbabalik-tanaw sa kanyang kabataan. Ipinasya naming ilathala dito dahil amin ding nasisilip ang aming mga sarili noong kami ay bata pa.]

larong pambataAng pinakaunang pagpaparusa na ginawa sa’kin nu’ng bata ako e ‘yung iniluhod ako sa munggo ng nanay ko. Siguro mga apat na taong gulang pa lang ako niyan. Nu’ng maglaon, umakyat na sa Level 2 ang parusang ito dahil idinagdag niya ang pagpapapasan sa’kin ng diksyunaryo sa kaliwang kamay ko at ang Banal na Biblya sa kanan habang nakaluhod sa asin.

Nu’ng maghiwalay ang mga magulang ko, lumaki naman ako sa piling ng mga kasambahay na hindi yata tumatagal sa’kin dahil sa talento ko sa katigasan ng ulo. Sa pagkaka-alala ko, laging kaming dalawa lang ng isang kasambahay ang naiiwan sa bahay dahil OFW pa noon ang tatay ko.

Isa sa mga paboritong nilang pagdidisiplina sa’kin ay ang pag-iwan sa’kin, mag-isa lang ako sa may tarangkahan ng bahay at madilim na silang uuwi. At dahil takot akong mag-isa sa dilim, madalas e dinadatnan akong humahagulgol. Umaabot yata sa New Zealand ang mga pagngangawa ko nu’n. Naging karaniwan na ring parusa sa’kin ang pagkakakulong sa madilim na CR mula anim na buwan hanggang isang taon.

Minsan namang lumagi ng matagal na panahon ang pinsang-buo ko sa bahay namin. Pinili niya kasi ang bahay naming bilang kanyang asylum. Siya ang nagtuloy sa pagpapalaki sa’kin, at siya rin ang nagturo sa’kin ng samutsaring mga bagay. Sa kanya rin ako nakatikim ng mala-Batas Militar na pandidisiplina. Ang sinturon ay ang primary weapon niya sa tuwing gagawa ako ng kapilyuhan, bukod sa napaka-generic na kurot at sampal.

Kung kasabayan kita ng panahon, malamang ay pinalaki ka sa siyesta, o ang compulsory na pagtulog sa tanghali. Ito ang isa sa mga pinaka-ayaw kong bahagi ng aking kabataan. Habang ang mga kaedaran ko ay masayang naglalaro at nagbibilad sa araw sa labas ng kanilang mga kural, pilit naman akong pinatutulog ng pinsan ko. Pinaka-ayaw ko ito dahil hirap na hirap naman talaga akong matulog sa tanghali. At kapag nalaman niyang hindi ako nakatulog sa tanghali, parusa niya sa-kin na hindi niya ako pinapabangon sa higaan hanggang 6pm. Saving grace ko ang boses ni Noli de Castro sa TV Patrol ito lagi ang nagsisilbing hudyat na napagsilbihan ko na ang sintensya ko. Kapag naman nakakatulog ako, reward niya sa’kin ang karapatang bumangon ng 4pm, lumasap ng masarap na merienda, at magsaya sa panonood ng mga cartoons (Shaider at Masked Rider Black naman kapag weekends).
Continue reading “Napalo ka na ba ng sinturon?”

Kwentong 4-2-3

Friends

Laging sinasabi, ang larawan daw ay katumbas ng libu-libong salita. Kaya nung pinost ni Orly Castro sa kanyang Facebook timeline ang kuhang ito, bigla naming naisip ang pagkarami-raming kwento. Kasama ni Orly dito sina Arnel Batungbakal, Bernie Cristobal (at ang asawang si Josie), at Lito Parungo, noong sila ay muling magkita-kita nitong nakaraang Agosto sa Glorietta, Makati.

Sa apat na magkakamag-aral, si Orly lamang ang nagpasyang hindi makipagsapalaran sa labas ng bansa. Si Lito ay mahigit dalawang dekada nang naninirahan sa Amsterdam; si Bernie, kasama ang buong pamilya, ay sa Guam na nakabase; at si Atty. Arnel naman at ang kanyang kapwa abogadong misis ay namamangka pa rin sa dalawang ilog: sa US at Pinas.

Hindi sila magkakaklase sa kanilang ikaapat at huling taon sa LDHS. Sa halip, mas mahaba pa nga ang kanilang naging pagsasama sa hayskul. Ang pamagat ng artikulong ito ay  nagpapakita ng mga seksyong kinabilangan nila: I-4, II-2 at III-3. Kaya naman kwentuhang 4-2-3 talaga ang naging tema ng kainan at inuman.

Sa kanilang unang taon sa Lakan Dula, sa Tiaoqui Annex, ay naging tagapayo nila si Gng. Evangeline Galanza. Ang mga naalalang mga kamag-aral: Erik Macatangay (RIP), Gloria Ramirez (na matapos ang unang taon ay lumipat sa Torres), Moises Marfil (RIP, anak ni Martin Marfil at Lucy Perez (anak ni Ponga), Fernando Gacuya, Manuel Ng, Romeo Tuliao, Luisito Lacap, Reginal Cruz, at iba pa. Si Gng. Au Torrijos, ang kanilang guro sa Math, ang kanilang pinakapaborito at siyang naging dahilan kung bakit Business Mathematics ang napili nilang elective sa ikalawang taon at kung bakit nagkasama-sama sila sa II-2.

Sa ikalawang taon, si Bb. Victoria Santos naman ang kanilang naging tagapayo. Sa taong ito nila nakilala sina Felimon Ongjanco, Pepito Ortiz, Ofelia Pangilinan, Nieva Macalinao, at marami pang ibang di pa maalala habang sinusulat ito.

Nang sumunod na taon ay nagkasama-sama sila sa III-3 dahil sa Chemistry naman ang napili nilang elective. Si Bb. Fatima Llanes naman ang kanilang tagapayo. Naging bagong kamag-aral sina Restituto Vigo, Evelyn Bongalon, Crisanto Hernandez, Joselito de Vera, Liwayway Reyes, Ofelia Lorenzo, at iba pa.

At tulad nang nabanggit na, nagkahiwa-hiwalay na sila sa kanilang huling taon noong ipasya ng DECS na alisin na ang patakarang elective.

Napakarami pang nagpag-usapan nang hapong iyon ng kanilang muling pagkikita. Bandang huli, di na rin nasentro sa kwentong 4-2-3 dahil sa pagdating ni Keith dela Cruz, na nakisama na rin sa masayang pagbabalik-tanaw.

Siguradong madadagdagan pa ang huntahang ito kapag naalala nila at ng kanilang naging mga kamag-aral ang maraming kwento ng masasayang araw nila sa LDHS.

ldhs

Disco music

We’ve written about the songs of the ’70s, and the following are examples of the type of disco music that dominated the billboard charts then. At our forthcoming reunion, wouldn’t it be nice to hear and dance to these songs again to relive our high school days? What disco songs do you still remember? Please share in the comment section.

I love to dance by Tina Charles

If I can’t have you by Yvonne Elliman

When will I see you again by The Three Degrees

Homecoming

Naaalala n’yo pa ba ang inyong high school love story? Narito ang isang maikling kwentong magpapaalala sa ating mga kilig moments noon. Sinulat ito ni Irish Mae Ignacio, at unang nalathala sa kanyang blog na may pangalang Tagalog Dito. Sana’y magustuhan n’yo at magbigay ng inspirasyon sa lahat na isulat at ibahagi sa amin ang inyong mga “musmos” na kwento ng pag-ibig.

***

Homecoming
Sinulat ni Irish Mae Ignacio

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso.

Sampung taon na ang nakalipas mula noong madamdaming araw ng inyong pagtatapos. Iginala mo ang iyong mga mata. Ang daming nagbago. Wala na ang mga dati ay pawisin at patpating batang kilala mo. Karamihan ay mga guro na, inhinyero, may mga namamasukan sa opisina at ang iba ay nagsimula ng maliliit na negosyo. Mayroon din namang nagsipag-asawa nang maaga at ngayon ay may mga anak na.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iba pang naroon nang mapatingin ka sa pintuan ng bulwagang pinagdarausan ng pagtitipon. Nandito na siya. Ang taong kaninang-kanina mo pa hinihintay. Mas tumangkad siya ngayon ngunit walang nabago sa maamo niyang mukha. Parang kahapon lang mula nang huli mong pinagmasdan ang kanyang mga mata, ilong at labi. Nandoon pa rin ang nunal niya sa kaliwang kilay. At sa wakas ay ngumiti siya. Biglang lumakas ang kabog ng iyong dibdib at natakot kang baka masira ang tatag na kaytagal mong inipon.

“Long time no see,” bati nito sa ‘yo at sa iba pa ninyong mga kaklase.

Awtimatikong sumilay ang ngiti sa labi mo na ilang ulit mong sinanay sa harap ng salamin. Pigil na pigil mo ang panginginig nito. Hindi maaaring mahalata ninuman na kinakabahan ka. Kailangan mong ipakitang ayos ka na at hindi na apektado ng kanyang presensya.

“Kumusta? Lalo kang gumanda,” baling nito sa ‘yo.

“Salamat. Heto, okay naman. Masaya,” ang sagot mo sa masiglang tinig.

Tumangu-tango ito samantalang binati mo naman ang iyong sarili sapagkat maayos mong nasabi ang iyong linya. Pang-best actress kumbaga.

Naupo ito sa lamesang kinauupuan mo at masayang nakipagkwentuhan. Palihim mo naman itong pinagmamasdan. Malikot pa rin ang kamay nito kapag nagsasalita at malutong pa rin itong tatawa. Accountant na pala ito ngayon sa isang multinational company. Napagtapos na rin nito ang dalawang nakababatang kapatid.

“Sa susunod, sa kasal ko naman ang reunion,” ang sabi nito. Nagniningning ang mga mata.

Biglang nanigas ang leeg mo. Wala ka ring maapuhap na salita habang ‘di naman magkamayaw ang mga kaklase ninyo sa pagbati at panunukso. Gusto raw sanang sumama ng nobya nito ngayon ngunit naudlot dahil sa trabaho. Matagal na raw talaga nilang balak magpakasal at alam na rin ito ng kanilang mga magulang. Imbitado raw kaming lahat.

Kasal? Ikakasal na pala siya. Habang ikaw ay namumuhay pa rin sa kahapon. Tandang-tanda mo pa rin ang sakit ng unang pagkabigo ng bata mong puso. Araw-araw ay binabalikan mo ang mga masasayang alaala ng tatlong taon ninyong relasyon.

“Tatlong taon din ‘yon pero bakit tila nakalimutan mo na?” gusto mo sanang itanong sa kanya ngunit pinigil mo ang iyong sarili.

Hindi ka iiyak. Hinding-hindi ka iiyak. Dahil bakit ka naman iiyak? Ano ba ang karapatan mong umiyak? Hindi mo naman iniisip na babalikan ka niya, ‘di ba? Natural lang din naman na makahanap na siya ng babaeng iibigin sa haba ng panahon mula nang matapos ang lahat sa inyo. Mahirap lang talagang tanggapin na nakalimot na ang lahat at ikaw na lang pala ang naiwan sa nakalipas.