Importance of teamwork

teamwork

The following article was culled from the September-October 1977 issue of Ang Baranggay. Written Larry Ramos, AB’s sports editor, this editorial is part of a series of articles we are publishing here as a way of reminiscing our stint as campus journalists and showing the context we grew up in.

Tidbit: Did you know that Jun Vigo and John Marte Marcella were also part of the publication’s sports section? You may click here to view AB’s staff for schoolyear 1977-78.

Mahalaga ang teamwork sa isang koponan

Sa isang paligsahan, bakit may natatalong koponan? Bakit may nananalo?

Ang mga katanungang ito ay kadalasang bukambibig ng mga tao matapos makapanood ng isang kapana-panabik na labanan. Kung ating lilimiing mabuti, ano nga ba ang talagang dahilan at may mga natatalong koponan at mayroon ding nananalo?

Iisa lang marahil ang kasagutan sa mga tanong na iyon. Ang dahilan ng pagkatalo o panalo ng isang koponan ay dala ng uri ng teamwork o kakayahang magkaroon ng kooperasyon o pagtulong-tulong ng isang koponan na ang tanging isinasaalang-alang ay ang ikatatagumpay ng koponan at ang karangalan para sa buong team o pangkat, na hindi man lang magkaroon ng puwang sa kanilang isipan ang karangalang pangindibdwal na maaaring makasira lamang sa konsentrasyon ng pangkat.

Malaki ang naitutulong nito sa buong pangkat sapagka’t ito ang magiging basihan ng buong pangkat upang magtagumpay. Ipagbigay halimbawa na lang natin ang koponan ng Crispa Redmanizer; hindi kataka-taka kung bakit paulit-ulit silang magkampion sa bawat Philippine Basketball Association Conference, sapagkat bukod sa disiplinado at magagaling ang manlalaro at mahusay ang coach na si Baby Dalupan, nagtataglay pa rin sila ng mataas na uri ng teamwork. Yung may kalidad ika nga.

Ang magandang rekord na ito ng koponan ng Crispa ay magagawa rin kahit sinong pangkat, kahit na saang larangan ng palakasan kung tataglayin nila ang kooperasyon at pagbibigayan ng pagkakataon sa bawat isa.

Ang pagkakaroon ng teamwork ay nakasalalay sa kamay ng coach at manlalaro. Pag-iintindihan sa kalagayan at pagkakaroon ng lamig ng ulo sa bawat pagkakamali ay nakatutulong upang ang teamwork ay di masira. Ang koponang kahit saang larangan ng palakasan, teamwork ang kailangan. Ika nga, “Sa isang balsa, lahat ay kailangang sumagwan upang pag-asa’y makamtan.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s