Unang pagkikita sa bagong taon

Matapos ang malungkot na pagsasara ng 2012 para sa grupo, sinalubong ng mga peps ang bagong taon sa pamamagitan ng isang pagkikita-kita noong Enero 6 sa Red Box, Trinoma.

Dumalo ang mga sumusunod: Reny dela Peña (galing pa sa London), Eddie Roberto (galing sa Korea), Remy Tuazon, Ana Marie Joaquin, Eva Llabres, Nitz Mercado, Evelyn Bongalon, Zeny Cervantes, Gil Buan at Remy Tuazon (na galing naman sa kani-kanilang mga bahay).

Ulat ni Remy: “Ang galing talagang kumanta ni Ana, at s’yempre pa, di rin naman nagpahuli si Gil, na mahusay rin palang magrap. Pagkatapos ng kantahan, sa isang restaurant sa West, Quezon City, itinuloy ang balitaan at kwentuhan. Nandun pa rin ang magic ng samahan. Wala pa ring tigil na tawanan, kahit sa mga kwentong paulit-ulit na lang.”

At natural, ayon pa kay Remy, naging “pulutan” sa kwentuhan ang mga hindi nakadalo: si Keith, na nasa Boracay; si Didi, na di na nahalabol; si Mel na bumalik na ng Thailand; si Ruby, na masama ang pakiramdam; at sina George, Larry, Rorie, June, John, at iba pa na di man lang nagparamdam.

Tuloy ang buhay, at tiyak na marami pang darating na katulad na pagkikita-kita.

(Ito ang aming kauna-unahang post sa taong ito, at sa pamamagitan nito’y ang aming pagbati sa lahat ng isang ligtas at malusog na 2013.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s