Liham mula kay Piolo

Natanggap namin kamakailan ang liham na ito mula sa kaibigan nating si Piolo. Nasa Korea pa rin siya ngayon, kaya di raw siya sigurado kung makakarating siya sa ating Christmas Party. Ipinasya naming ilathala ang sulat niya dahil ibinabahagi rin niya ang kanyang panig sa “pasabog” ni KC (mungkahi namin, basahin n’yo muna ang interbyu ni Boy Abunda sa nag-iisang anak ni Megastar Sharon at Papa Gabby).

 Narito ang sulat ni Piolo:

Hay naku, Manay Remy, paano ko kaya dadalhin ang sarili ko sa Christmas Party natin? Sa ngayon ay nandito pa ako sa Korea at….nagpapagaling ng pusong sugatan. Feeling depressed ako ngayon at hindi ko malaman kung magpapatiwakal ba ako o ano. Sa mga sandalng katulad nito na nagkakaroon ako ng pagkakataong maisiwalat sa isang kaibigan na katulad mo ang mga hinanakit ko ay hindi ko maiwasan na maalala ang mga masasayang sandali sa buhay ko sa piling ng aking minamahal. Nagugulumihanan…nagdurusa…at nagtatanong ang aking buong pagkatao kung bakit sa kabila ng pag-ibig na wagas at dalisay na iniukol ko sa babaeng aking nililiyag ay ito pa ang naging sukli ng aking pagiging tapat sa aming sumpaan. Napakasakit subali’t kailangan kong tanggapin ang lahat at itatak mula ngayon sa pinakasulok ng aking isipan…at maging sa likod ng aking balintataw…na tunay na ngang naglaho ang isang dating masaya at dakilang pag-iibigan ng dalawang nilalang na minsang tiningala, kinainggitan at pinangarap na matamo ng mga taong nakasaksi sa aming mala-fairy tale na pag-iibigan.

Marahil ay hindi na lingid sa yo ang nangyari kamakailan lang between me and KC. Masakit ang pangyayari pero, alam mo, tinatatagan ko na lang ang sarili ko para malabanan ko ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon at pilit akong tumatayo upang sa dako paroon…ay muli kong masilayan ang isang bagong umaga…ang isang bagong pag-asa na iluluwal ng bukang liwayway. Sana ay mapagtanto ni KC na hindi totoo ang ibinibintang ng lahat tungkol sa akin at sana…..sana……sana…..ay makarating ako sa ating Christmas Party.

Hanggang dito na lamang at isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ‘yo.

Just me,

Eddie “Piolo Pascual” Roberto…..at saka Coco Martin at John Lloyd Cruz

You can view more photos of Eddie in Korea by clicking here.

One thought on “Liham mula kay Piolo

  1. Eddie Roberto

    Pambihira talaga kayo, nasa email lang ito ha! Bakit nyo pinaskel dito? Pati picture ko sinama pa. Tsk, tsk, tsk…patay tayo nito…baka madiscover tayo nyan ng tuluyan ni Big Brother.

    The Site Team: Ang galing kasi ng pagkakasulat, Eddie. Kailangang maipamahagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s