Chorale singing

Natisod  namin kamakailan ang video sa itaas na nagpaalala sa amin sa kasiyahang dala ng aming pagsali sa mga choral singing competition noong high school at ang magagandang awiting Pinoy na malimit awitin sa mga paligsahang ito.

Lingid sa kaalaman  ng marami, sikat na sikat din ang mga awiting ito sa mga dayuhan, tulad ng “Paru-parong Bukid” na inaawit sa itaas ng  Northwest Missourri State University Madrallers at, sa ibaba, ng Zionsville Community High School Chamber Choir mula sa Indiana.

Heto naman ang rendisyon ng isa pang grupo ng mga Amerikano ng “Bahay Kubo”, sa isang paligsahang kanilang sinalihan sa New York:

Pati sa Asya ay popular din ang ating mga awitin:  “Ikaw Lamang” na inawit naman ng Infinito Singers ng Indonesia.

At ang huling video ay tinatampukan ng University Choir of Pardubice ng Czech Republic at ng Ateneo Glee Club  sa impormal nilang pag-awit ng “Ikaw” sa isang paligsahan sa Italya.

Dapat banggitin dito na ang mga grupong katulad ng Ateno Glee Club, UP Concert Chorus, UP Madrigal Singers, at iba pang choir na nakabase sa mga unibersidad at kolehiyo ng Pilipinas ang gumagampan ng malaking papel sa pagpapalaganap ng mga awiting katulad nito. Sa kanilang mga pagtatanghal sa labas ng bansa ay napapahanga nila ang iba’t ibang klase ng manonood dahil sa kanilang galing at likas na ganda ng mga komposisyong Pinoy.

One thought on “Chorale singing

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s