Guro sa Pilipino

Alam n’yo na marahil na natagapuan na natin si Gng. Agapita Correa, ang ating guro sa Pilipino sa ating ikaapat na taon sa Lakan Dula. Mula noong 1988 ay nasa Amerika na pala si Ma’am, sa New York, kasama ang kanyang kabiyak (nasa larawan). Dalawampung taon na rin siyang retirado.

Noong isang taon, sayang at hindi natin nabalitaang nasa Pilipinas siya para dalawin ang anak na si Rene (nakaitim na polo sa litrato sa itaas) at ang kanyang ikalimang apo sa tuhod. Si Rene ang kumontak sa atin sa pamamagitan ng ating blog.

Kung nabasa n’yo ang komento ni Rene, alam n’yo na rin na magdiriwang si Ma’am ng kanyang ika-80 kaarawan sa Marso 16. Nakikiusap si Rene kung mayroon tayong naitatabing mga larawan ni Gng. Correa na magagamit sa sorpresang ibibigay sa kanya ng mga anak. At kung wala naman, maaari rin naman daw na gumawa tayo ng video na kung saan ay binabati natin ang ating dating guro ng isang maligayang kaarawan.

Pakikontak na lang kami. O kaya’y magbigay kayo ng ideya kung paano natin maipapahatid ang pagbati at pangungumusta sa ating mahal na guro. Aalis si Rene papuntang Amerika sa Pebrero 9.

Masarap talaga ang pakiramdam kapag muling natatagpuan ang ating mga matagal nang hinahanap. Sa susunod na post, ang kwento naman tungkol sa kaklase nating si Minerva Llabres, na sumulpot na rin sa wakas.

3 thoughts on “Guro sa Pilipino

  1. Renato Correa

    Sa mga dating estudyante ng aking mommy, kung kayo ay may account sa facebook, maaari ninyong i-upload ang inyong pagbati doon at ida-download ko na lamang para maigawa ng video presentation. Invite me to be your friend so I can do it. Thank you.

    Renato Correa

  2. Menchie Ponce

    Hi Rene,

    This is Camen (Menchie) Ponce, your mom’s co-teacher for so many years.

    Here is my Facebook account: CarmenPonce19@yahoo.com.

    The Site Team: Hi Ma’am, please check your email. We’ve just sent Mrs. Correa’s phone number in New York.

  3. Menchie Ponce

    I’ll try to check if i can look for some pictures of mrs. correa. that will really surprise her.. maybe on my days off. Ok?

    The Site Team: Thanks po, Ma’am Menchie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s