YMCA/YWCA days


Todo na talaga ‘to. Muli ay nakatisod na naman kami ng mga larawang sadyang nagpapaalala sa aming nakaraan. Mga kuha ito sa Baguio, noong  kapanahunan ng aming pagiging kasapi ng Young Men’s/Women’s Christian Association.  (Pakipindot na lang para lumaki).

Tatlo sa mga peps ang naririto: sina Rorie Quijano, Yoly Mañalac at George Hizon. Kinunan ang mga ito noong Disyembre 19-23, 1976, sa Teachers’ Camp sa Baguio City, sa okasyon ng ika-32 kumperensya ng YMCA at YWCA. Ang taunang pagtitipon ay dinadaluhan ng mga delegado mula sa iba’t ibang hayskul sa buong bansa.

Kasama sa larawan sa itaas ang prinsipal na si Gng. Eufrocina V. Capili at mga gurong sina Ma’am Salome Tamayo at Ma’am Fatima Llanes (na siya naming naging titser sa chemistry sa ikatlong taon namin sa LDHS. Nasaan na kaya siya ngayon?).

Ilan pang natatandaan namin ay sina Beth Tuazon at Herminia de Leon, na siyang grumadweyt na salutatorian at valedictorian ng Batch ’77.

Gusto naming pasalamatan si Annie Winda Barros-Mojica, na siyang nagpost ng mga litratong ito sa LDHS Alumni Network. Kung hindi kami nagkakamali, siya yung may krus na asul sa mga larawan.

Idinagdag namin ang mga ito sa aming koleksyon.

One thought on “YMCA/YWCA days

  1. John Marcella

    merry xmas to all my cute classmates. hehe. i”mjust here watching you all day and night.

    by the way san si george? meron ba naman siyang store manager sa may paco, manila na masungit. dapat bigyan ng lesson yungmaldita. buti na lang wala ako tektek at bf ko na-encounter nya. kung ako naku sorry siya at baka umuwi siyang luhaan. lol. give her a lesson. that happened today, Christmas day, 12 noon.

    The Site Team: Bayaan mo, John, papaimbestigahan natin ang nangyari sa iyong boyfriend. Isulat mo ang buong kwento at iabot mo kay George sa December 28, Biro mo bf pa ng reyna ng Sta. Ana ang kinalaban niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s