Pagbati kay John

John Marte

Dapat ay masayang pagbati namin ang post na ito para sa aming kamag-aral na si John Marte Marcella. Pero ngayon lang namin nalaman mula sa kanya na namayapa na rin pala ang nakatatanda niyang kapatid.

Kanina lang ay tinawagan siya ni Remy Tuazon-Martin at sinabi ni John na nagpaalam ang kanyang kuya noong Hunyo 9, limang araw matapos yumao ang kaklase nating si Ronnie Gorgonio. Hindi na niya matandaan kung may nasabihan siya sa mga peps.

Kasabay ng aming pagbati kay John ng maligayang kaarawan ay ang aming pakikiramay na rin sa kanya at sa pamilya Marcella.

John, hindi mo siguro napanood yung video na alay sana namin sa iyo dito. Inalis muna namin at baka hindi bagay sa panahon ng iyong pagluluksa. Tawag ka lang sa mga peps.

5 thoughts on “Pagbati kay John

  1. Remy Tuazon-Martin

    Happy birthday John! Anuman ang problemang dinadala mo tungkol sa mga kuya mo, kaya mo ‘yan. Just pray for them lalo na si kuya na may karamdaman sa ngayon. Enjoy your day and we will pray for his early recovery. We love you.

  2. Lito Parungo

    hapi hapi bertday po, john. miss na kita. ano nangyari sa internet connection mo? kwentuhan tayo minsan. lalo na ‘pag kailangan mo ng kausap, ha?

    at sa lahat din ng nagselebreyt ngayong hunyo, maligayang balti uli sa inyong lahat.!

  3. Malu Ortiz-Kalyan

    John, may you be gifted with all that matters the most in your life. Happy, happy birthday. Sa iba pa nating kaklase na nagdaos ng kanilang kaarawan, maligayang bati sa inyong lahat. Take care and god bless,

  4. Larry Ramos

    Dear John,
    Birthday mo pala hindi ko man lang naramdaman. Lagi kasi ako wala sa gatherings ninyo eh. Ok sige excuse ka na. Greeted you naman in advance sa mga early episode ng June Blog ng IV-1 peps e, di ba? Wish you had a wonderful day.

    I am sorry too for your brother, ayoko na sana isipin kasi lalo lang ako natatakot. Belated happy birthday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s