Maligayang kaarawan, Nanay Juanita

Nanay Juanita

Nitong nakaraang Byernes, Hunyo 12, alam na ninyong ang mga peps ay sama-samang nagtungo sa burol ni Ronnie Gorgonio. At kung binasa n’yo ang komentong kapapadala lang ni Remy Tuazon-Martin, alam na rin ninyong pagkagaling sa Caloocan ay dumiretso silang lahat sa S. Trinidad para naman ipagdiwang ang kaarawan ng ina ni Chie dela Peña, ang ating kamag-aral na nakabase sa London. Noong Hunyo 13, ipinagdiwang ni Nanay Juanita ang kanyang ika-89 na kapanganakan.

Nanay Juanita

“Masayang-masaya si Nanay at nakapunta kami, kahit pa nga wala si Chie,” ulat ni Remy. “Syempre kami rin ay tuwang-tuwa sa inihanda niyang kare-kare, fried chicken at pansit. Gutom na gutom pa naman ang lahat kaya halos maubos namin ang masarap na handa, lalo na ang kare-kare.”

Nanay Juanita

Ang hindi natin alam, kahit wala pala si Chie sa Pilipinas ay malimit ding nadadalaw sina Remy at ang kanyang pamilya kay Nanay Juanita. Sabi ni Remy: “Parang nanay ko na rin kasi siya. Tuwing Pasko o Bagong Taon, o kung magawi kami sa Tundo, hindi maaaring hindi kami dadaan sa kanila para siya bisitahin.”

“Mabait, masipag, masayahin at mapagmahal si Nanay, lalo na sa bunso niyang si Reny,” pahabol pa ni Remy.

Image087

Si Larry Ramos naman, tinamaan na naman ng sentimyento nang muling makatuntong sa Tundo. Ibang-iba na raw ang itsura ng S. Trinidad ngayon, lalo na ang Lakan Dula High School na ngayon lang daw niya muling nakita mula nang tayo’y grumadweyt. “Para bang gusto ko uling bumalik sa pagkabata,” aniya.

Nagpapaabot din ng pasasalamat si Larry sa masarap na handa ng isa sa marami nating mga nanay.

Si Chie, dahil siguro naiinggit, ay di na ring napigilang tumawag mula sa London para makausap ang ina at ang kanyang mga kamag-aral.

Binabati naming lahat si Nanay Juanita (at pati na rin si Chie) at sana’y maraming-maraming taon pa ang kanyang ipagdiwang.

Nanay Juanita

Samantala, bukas,  Hunyo 16, ay kaarawan ng ating minamahal na si Nitz Mercado. Pwede bang may tumawag sa kanya at ipaalalang huwag kalimutan ang bagoong kung balak niyang magpakare-kare? Sana,  kasingsarap din ng luto ni Nanay Juanita.

One thought on “Maligayang kaarawan, Nanay Juanita

  1. Chie Dela Pena

    Maraming, maraming salamat sa pagdalaw ninyo sa amin, at sa pagbati sa kaarawan ng aking Nanay. At masayang masaya ako dahil nakausap ko kayong lahat. Sana maulit muli ang ating salu-salo. Muli, salamat sa lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s