Walang hanggang paalam

Ito ang huling saludo natin sa ating yumaong kamag-aral na si Ronnie Gorgonio. Nailibing na kanina ang kanyang bangkay, at kahapon ay nakapagpaalam ang pangalawang grupo ng peps na nagtungo sa kanyang burol.

Para sa mga kamag-aral na nasa labas ng bansa ay ibinabahagi namin sa ibaba ang ilang larawang ipinadala ni Larry Ramos. Ang mga teksto naman, na naglalaman ng ilang rekoleksyon ukol kay Ronnie, ay galing kina Dado Dizon at Eddie Roberto.

Ronnie's wake

Dado: “Magkakaklase kami nina Mel Abas, Didi Espiritu, Malu Ortiz, Minerva Llabres at Ruby Gaviola. Napaka-cool ni Ronnie, palaging lang nakangiti at hindi mo makitaan ng galit o kahit inis man lang. Wala akong gaanong maikuwento noong third year  class namin dahil nagrupo ako sa mga gurang (Punongbayan at Morelos).

Ronnie's wake

“Halos sa fourth year class natin kami medyo nagkabonding. Naalala ko  minsan pagkatapos ng klase ay nag-jeep kami papunta sa bahay ni Noelito Roque sa Herbosa. Pero iba ang nangyari. Bumaba kaming tatlo nina Noelito  sa tapat ng Pritil Market at nag-umpisa kaming maghabulan sa palengke, at pag nahuli ka ay ipupunas sa pisngi mo yung maruming basahang baon-baon namin noon.  Kaya ang nangyari ay pabilisan kami ng pagtakbo na parang mga snatcher sa loob ng palengke, na hindi naman ikinagulat ng mga tao  dahil pangkaraniwang eksena lang iyon doon.  Mahigit isang oras kami sa loob ng Pritil at inabot na kami ng pagkapagod sa walang tigil na tawanan at takbuhan. Pero kaming dalawa na lang pala ni Noelito ang naiwan at wala na si Ronnie dahil tumakas na at umuwi!  Ang hindi ko maisip hanggang ngayon ay kung paano nag-umpisa yung laro na iyon (baka maalala pa ni Noelito).

Ronnie's mother

“Naaalala ko rin yung tumubong bukol o pigsa sa kanang panga ni Ronnie na alam ko na medyo nahihiya siya dahil ang laki talaga. Kaya kung papansinin nyo yung class picture ay nakaporma siyang parang Mr. Pogi contestant dahil pilit niyang tinatakpan yung bukol niya.

“Noong magkita kami last December ay hindi mo maisip na may sakit siya dahil as usual very cool pa rin at nakangiti palagi. Kaya sinong mag-aakalang yun na pala ang huli naming pagkikita.

“Gayunpaman, I’m sure masaya na siya kung saan man siya. Sige, hanggang dito na lang at naluluha na ako at basang basa na ang keyboard ko.”

Peps at Ronnie's wake

Eddie: “Naalala ko pa, noong pauwi na ako galing sa birthday celebration ni Ronnie sa SM San Lazaro last November at sa isang kapihan na inisponsoran ni Ruby sa may Timog ay isinabay ko si Ronnie at yung anak n’ya sa taxi pauwi. Habang nasa biyahe kami ay nasabi ni Ronnie na pinilit n’yang mapagbigyan ang kahilingan ng grupo na mai-celebrate yung birthday nya na kasama ang IV-1 peps dahil baka nga raw hindi na nya tayo makasama isang araw.

Peps at Ronnie's wake

“Pero hindi dito natapos ang pagsisikap ni Ronnie na makasama ang mga peps dahil nakadalo pa siya sa birthday celebration ni Noel (husband ni Ruby) at nung Christmas party ng grupo. Sa bawat pagdalo nya ay magkasama kami palaging bumibiyahe papuntang Muñoz dahil doon sya sumasakay ng jeep papunta sa kanila. Alam kong nahihirapan si Ronnie sa mga pagbibiyahe n’ya pero bilib ako sa kanya dahil pinipilit pa rin nyang makadalo para lamang makasama ang grupo, isang pahiwatig na may halaga sa kanya ang makita tayo at makasama kahit man lang sa maikling panahon na itatagal pa nya sa mundong ito.

“Saludo kami sa ‘yo, kapatid na Ronnie!”

4 thoughts on “Walang hanggang paalam

  1. Ruby Rosa Gaviola-Guevarra

    Keith de la Cruz, Zeny Cervantes, Noel and I went there Tuesday. We had a long talk with Ronnie’s mother, who was really surprised why her son would get ill considering the healthy lifestyle he was leading. The moment he was diagnosed, grabe na agad ang sakit niya.

    Ronnie suffered a stroke while undergoing dialysis. He had had two strokes before. He even joked his sister after the second stroke that he might not survive the third one, which proved to be prophetic. Before finally leaving, he looked at his mother and was able to tell na masakit ang ulo niya. Then he was gone.

    Ronnie had worked in Saudi Arabia for 17 years and left behind a 17-year-old son.

  2. Malu Ortiz-Kalyan

    Nang malaman kung wala na si Ronnie, tinawagan ko agad si Didi. Nakakalungkot dahil umaasa ako na magkikita pa kami sa pag-uwi ko. Bale ang kapatid ko ang nagpunta sa burol ni Ronnie.

    Sayang talaga dahil close kaming lima kay Ronnie (Mel, Didi, Ruby at Eva). Kahit nakaklase namin si Dado eh iba ang barkada niya. Nabarkada nga siya kay Punongbayan at Morelos na madalas pasakitin ang ulo ng adviser namin na si Ms. Natividad Guevarra.

    Noong third year kami ginagaygay namin nina Ronnie, Mel, Didi, Ruby, at Eva ang Caloocan. Madalas kaming maghabulan noon. Kasi si Didi madalas inaasar si Mel, kasi pikon siya. Si Ronnie pangiti-ngiti lang. Pumupunta rin kami sa bahay nina Didi At Mel. Doon silang tatlong lalaki nagsasabunutan. Sana malaman din ni Mel ang pagkawala ni Ronnie.

    Mahilig din nga palang magsayaw si Ronnie – ang sayaw niya urong-sulong. Siguro ginagaya niya si Michael Jackson.

    Sa ‘yo mahal kong kaibigan, alam kong maligaya ka saan ka man naroroon.

  3. Remy Tuazon-Martin

    Dear peps,

    Here are more bits of information about Ronnie, which many of us, for sure, may not be aware of:

    He graduated from Feati University in April 1983 with a degree in BS Architecture. After working in the Philippines for a number of years, he decided to go abroad and work for Hassan Omer Assad Architectural & Engineering Consultants in Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. He had worked there as decor/designer for 17 years.

    When he went home on November 29, 2007, which was six days after his birthday, he was already suffering from a chronic kidney disease due to hypertensive nephrosicerosis, a medical condition referring to damage to the kidney due to chronic high blood pressure. From December 23, 2007 up to January 11, 2008 siya na-confine sa PGH, where we immediately visited him after Doc Rorie Quijano found out it was him. Pero since then hindi na talaga bumalik ang lakas ni Ronnie at labas-masok na siya sa Martinez Hospital para magpa-hemodialysis nang dalawang beses kada linggo. Noong October 2008 naospital na naman siya dahil nagkaroon ng tubig ang lungs niya at noong January 2009 ay nagkapulmonya naman siya. Nitong nakaraang June 5, habang nagda-dialysis, dumaing na masakit ang ulo niya. Yun pala, sobrang taas na ng BP niya. He suffered from cardiac arrest.

    Para kay Vilma, na bunso niyang kapatid, at sa panganay nilang si Lani, sobrang bait ni Ronnie. Noong nagkatrabaho si Ronnie siya na kasi ang tumulong sa mga magulang upang pag aralin ang mga nakakabatang kapatid. Nag-asawa siya pero ayaw nang ibigay ni Vilma ang pangalan kasi hiwalay naman na daw sila. May kwento na ang pagtulong na ito ni Ronnie sa pamilya ang isa sa mga naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.Nagkaroon sila ng isang anak, si Gerron Gorgonio, 19 years old na.

    Ang mga nagpunta sa burol noong June 12 ay sina Rorie, George Hizon, Didi Espiritu, Larry Ramos, Gil Buan, Ana Marie Joaquin, Ma’am Beth Bustamante, Danny and me. Nakakatuwa na nakasama namin si Doc Rorie. Happy and nag-enjoy daw siya sa get-together ng grupo kahit malungkot ang dahilan ng pagkikita namin.

    After that ay nagtuloy kami kina Reny, na nagpadala rin ng abuloy for Ronnie, to celebrate her mom’s birthday. Basahin n’yo na lang ang hiwalay na writeup tungkol dito.

  4. Larry Ramos

    Guys,

    It really broke my heart seeing a dear friend lying there lifeless. It also made me sad thinking that one day I will be there too.

    Ronnie is indeed a good person and it really touched me how he helped his first family (mother and siblings) in spite of having this biggest problem. Feel na feel ko ang sadness ng mother niya when we had this one-on-one and I had difficulties in trying to comfort her. Kasi naalala ko rin si Nanay ko and I really envied Ronnie for what he had done which I failed to do so. But I am now planning to make up for my mother and hopefully I am not yet late. Ronnie reminded me of that through her mother. Thanks Ronnie, I owe you that one.

    But guys, to make things lighter, Ronnie has left us a legacy and I am sure no one will deny that. Siya ang nagpauso ng Mr. Pogi looks. I told that to his sister.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s