We’ve just heard that our dear classmate Ronnie Gorgonio passed away yesterday. The wake will be at # 71 Dona Leoncia St., Caloocan City.
We are still at a loss for words over this very sad news.
Advertisements
The story continues …
We’ve just heard that our dear classmate Ronnie Gorgonio passed away yesterday. The wake will be at # 71 Dona Leoncia St., Caloocan City.
We are still at a loss for words over this very sad news.
Please extend my condolences to his family. I’ll include him in my prayers this Sunday at the church. Thanks for informing me. Best regards to all.
Nakalulungkot naman ang nangyari. Nakikiramay ako sa mga naulila ni Ronnie, ang ating butihing kamag-aral.
Condolences po. This is really sad. May he rest in peace.
Saan ka man naroroon ngayon, Ronnie, alam ko masayang-masaya ka, kahit paano. At ikaw na rin ang nagsabi na napaligaya ka namin sa iyong kaarawan last November 2008, walang-patid na pasasalamat ang pinahatid mo sa amin. May you rest in peace ka-PEPS and we will always pray for your soul.
Sa mga naulila ng aming minamahal na kaibigang si Ronnie Gorgonio ay nagpapahatid po ang inyong lingkod ng isang taos sa pusong pakikiramay sa kanyang paglisan sa mundong ito. Nawa’y sumainyo ng daglian ang lubos na pagkaunawa at pagtanggap sa katotohanan na ang buhay ng tao sa mundong ito ay may kanya-kanyang hangganan lamang.
At sa iyo kaibigang Ronnie, saan ka man naroroon, nananalig ako na nasa mabuti kang kalagayan dyan…sa lugar na kung saan wala ka nang sakit at karamdaman na magpapahirap sa yo…wala nang pagod, hirap, lungkot, problema at gutom na mararanasan. At katulad ni Jaime, saan mang pagtitipon naming mga IV-1 Peps ay lagi kang sasagi sa aming puso’t isipan at hindi kailanman mawawala ang iyong mga alaala sa pahina ng kasaysayan ng ating grupo.
Pare, muli ay maraming salamat sa iyong presensya sa nakalipas na mga pagtatagpo ng IV-1 Peps at mula dito ay sinasaluduhan ka namin at iniaalay ang isang pagkilala bilang isa sa mga bumubuo ng ating samahan.
Hanggang dito na lamang, Ka Ronnie, at manahan kang payapa sa piling ng ating Dakilang Lumikha na taglay ang pag-ibig ng Diyos Ama, ang pagpapala ng Diyos Anak at ang matamis na pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.
Kindly relay my condolences to the family of Ronnie Gorgonio. May his soul rest in peace.
To Ronnie Gorgonio ‘s family, Heartfelt condolences. May your loved-one and our classmate Ronnie Gorgonio rest in peace with our Lord Almighty.
Ronnie, we will not forget you. You will forever remain in our hearts and memory. Vaya con dios, amigo!!!
Nakakalungkot naman yung balita about Ronnie. Sya pa naman yung katabi at kausap ko noong last Christmas party natin. Palagi siyang nakatawa, parang walang sakit na nararamdaman. Huling pagkikita na pala namin iyon!
My condolences to the bereaved family. The incident really saddened me most. On the lighter side may I suggest to the web site designer to create, if possible, one section for obituary for all LDHS graduates who have passed away. For example our valedictorian Rodel C. Ocampo died (I dont know the exact date and reason) for us also to be informed and eventually help the family in our own litte ways. Thanks a lot.