Bakas ng lumipas

Kamakailan lamang ay nagpost kami ng Top 100 Songs ng taong 1978. Pero mga dayuhan lahat ang singers. Ngayon naman, pipilitin naming magbuo ng listahan ng mga kantang Pinoy na sumikat sa buong dekada ’70. Ito ang patikim: mga awit ni Eddie Peregrina, isang mang-aawit na talaga namang sikat na sikat noong tayo’y mga nene’t totoy pa.

Hinahanap pa namin ang mga kantang pinasikat nina Boy Mondragon, Florence Aguilar, Norma Ledesma, Lew Soratorio, Victor Wood, Cesar Manalili, Neddie Decena, Romeo Miranda, Lord Soriano, at marami pang iba. Pahabain natin ang listahang ito.

3 thoughts on “Bakas ng lumipas

  1. J. Serrano Jr.

    dagdag ko: darius razon, esperanza fabon, perla adea, rommy mallari, fred panopio, max surban, baby de jesus, efren montes, manny de leon, cocoy laurel.

    at wag ding kalimutan, marami ring hits noon sina guy and pip & vi and bot.

    The Site Team: Oo nga, Jr. Thanks. Maghahanap kami ng mga kanta nila.

  2. Tess

    Nakakakilabot naman ang mga kantang ito. Lalo na ang pangalawa, may nababasag pang mga salamin. Tamang-flashback talaga kayo ha….🙂

  3. Larry Ramos

    Dear guys,
    Ano ba kayo, 60’s yung mga inilista nyo, nakakakilabot kayo ha. Ang panahon po natin ay ang simula ng pagsikat ni Nino Mulach, late 70’s Manila Sound na po and uso. Hotdog, New Minstrell, Ambivalent Crowd saka mga jefrox jefrox, mga hippies o hipping kulelat. Songs that were popular were from Rico Puno, Hajji, Mike Hanopol. Yan po ang era ng hipping laos at nagsimula naman mag bloom ang Manila Sound. Remember “Anak” when it lost to 1st Metro Pop? Di ba marami ang nadismaya when Hajji’s “Kay ganda ng ating musika” won over Anak. Mga repapips 78 yun, o di ba? Kayo ha, nagmamadali kayo tumanda, kaya pati 60’s alam ninyo.

    Just sharing you this info, guys . . . .

    The Site Team: Thanks, Larry. Tama ka sa isang banda, these Pinoy artists may have started earlier. Pero sa kabilang banda, inabutan din natin sila noong 1970s. Kaya nabanggit sa post na sikat sila noong tayo’y mga nene’t totoy pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s