Sulat ni tatay

sulatAnak,

Pasensya ka na kung medyo mabagal akong nagususulat sa mga sandaling ito. Alam ko naman kasing mabagal ka ring magbasa.

Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira, para daw hindi na sila magpalit ng address. HIndi ko tuloy alam kung anong address ang gagamitin ng kapatid mo.

Maganda ang lugar na ito dahil malayo sa Maynila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito: tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito. Katulad na lang nung nabili kong shampoo, ayaw bumula. Nakasulat kasi ‘FOR DRY HAIR’ kaya hindi ko binabasa ang buhok ko kapag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay ‘YALE, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay. Akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE. Wise yata ang tatay n’yo.

Mayroon nga pala akong nabiling magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa ‘Federal Express’. Medyo napamahal nga dahil mabigat daw ang mga butones. Kaya ang ginawa ko, tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito. Mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Naggugupit siya ngayon ng damo sa memorial park. Ok naman ang kita above minimum ang sahod.

Malapit na rin nga palang manganak ang Ate Baby mo. Pero hindi ko pa alam kung babae o lalake, kaya hindi ko pa masasabi kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka sa amin nang madalas, para naman paggradweyt mo ng high school ngayong Marso ay marunong ka ng magsulat.

Love,

Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha?

3 thoughts on “Sulat ni tatay

  1. Amelia Agam-Inamarga

    habang binabasa ko ang SULAT NI TATAY ay di ko maiwasan ang mapangiti. nakakaaliw basahin. bigla ko tuloy naalala ang mga pelikula ni Chiquito.

  2. Elizabeth Ellis

    Can’t stop laughing, really enjoyed it. It’s been a long time I read this sort of materials in our own language.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s