Sino, sinobalasi?

Makikilala n’yo pa ba ang mga batchmates na ito mula sa IV-2? Kuha ito sa Ventura Annex, ang “gubat” na ginagalugad din natin noon.

O pindot pa kung gusto n’yong makita ang kanilang class picture at isa pang pindot sa litrato kung gusto n’yong palakihin …

Kung nabitin kayo, dalawin n’yo na lang si Edgardo Inamarga, ang may-ari ng mga ito, dun sa kabilang site. Marami pa siyang naitabing mga antigong larawan. Salamat, Edgar.

4 thoughts on “Sino, sinobalasi?

  1. Rebecca Pabustan Adraneda

    Sige, kilala ko pa rin ang anim dito. From left to right: Edgar Inamarga, Moises Marfil, Cris Abuan, ???, Philip Ongjanco, Rudy Dabalos, & Joselito Rotoni. Si Philip, doctor na siya ngayon, nag-duty siya sa Fabella noong intern siya. Si Dabalos, last time na nagkita kami sundalo na siya. Sino naman ang makakalimot kay Abuan, eh siya ang “good boy” ng IV-2? Sana naman magparamdam ang iba naming IV-2 classmates. Marami rin akong pictures noong high school days, di ko lang makita, Di ko alam saan nilagay ni Amado nang ginawa niya ang basement. Masarap balikan ang nakaraan. Hopefully pag nakauwi ako, makita ko kayo IV-1 peps and some of my IV-2 classmates.

    The Site Team: Salamat, Becca. Ang dami na rin talaga naming nakakalimutang pangalan. Pero napakapamilyar pa rin ng mga itsura ng mga kaklase natin. Try to be in the Philippines this December. May pinaplanong joint reunion ng iba’t ibang sections ng Batch ’78.

  2. Lito Parungo

    Becca, si Filemon Ongjangco nga yun. O ginagamit din niya ang Philip? Classmate ko siya sa second year at third year. Part siya ng apat na sikat noon (with Bernie Cristobal, Orly Castro at ako. Tignan mo nga naman mga kahibangan noon, no?). Si Moises Marfil, na anak ni Martin Marfil, kaklase ko nung first year.

  3. Filemon Ongjanco

    Hello! Bekang este Col. R. Pabustan, buti naman naalala mo pa ‘ko, For Carlito Parungo na miyembro ng Apat na Sikat and to Ed, how are you? Missed ko na ang high school days natin, si Cris Abuan na ahead of our time ang maturity ng isip sa kalokohan…

    God bless everybody!

    The Site Team: Hi Filemon! Nice to hear from you. Naglalabasan na nga ang IV-2. Join ka rin sa LDHS Alumni Network. Nandun sina Toto Panlilio, Vic Aguila, at Becka. Of course, welcome ka ring makigulo dito sa amin.

  4. Eric Macatangay

    Felimon, kmusta ka na? Naalala mo pa ba ako? Ano Friendster at email mo? I am still in Saudi at baka sa December pa uwi ko. God bless.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s