Buhay-riles

Dsc_0538

Kamakailan ay may isang mambabasa ng ating blog ang nangumusta sa Daangbakal. Mukhang matagal na rin siyang di nagagawi sa lugar at tinatanong tayo kung ano na ang itsura ng riles matapos ang malawakang demolisyon ng mga bahay na naroroon.

Tyempo naman, nagpadala si Reny dela Peña ng isang website na kung saan ay natagpuan din namin ang mga larawang ito. Mga kuha ito ni Sydney Snoeck, na siya ring may-ari ng mga litratong nilathala namin kamakailan sa artikulong Street food.

Hindi namin tiyak kung saan eksakto ang mga kuhang ito, pero mababanaag sa mga larawan ang dating itsura ng lugar bago ang demolisyon.

Dsc_0567

Kakaiba ang mundo ng riles, lalo na para sa mga dayuhang tulad ni Sydney, isang Belgian na ngayo’y naninirahan na sa Pilipinas. Sa unang tingin ay nakakatakot itong pasukin. Bukod sa dami ng taong nagkalat sa riles, hindi rin maiiwasang nerbyusin ka sa dumaraang  mga tren. Aba, marami na rin kaming nabalitaang nasagasaan sa riles.

Dsc_0621

Pero ang mga peps, sanay na sanay sa Daangbakal. Isa kasi ito sa mga lugar na madalas tambayan ng mga IV-1 boys dahil dalawang kamag-aral – si Eric Macatangay at ang yumaong Jimmy Borja – ay dating naninirahan dito. Di rin naman kalayuan ang riles sa tinitirhan ng  iba pang kaklase, tulad ng Raxabago, Dagupan, Juan Luna at Pritil. At kahit pa nga ang mga taga-Kalookan ay madalas din namang dumadayo rito noon.

Malilimutan ba ang maraming gabi ng kwentuhan sa harap ng bahay nina Eric, di kalayuan sa Tayuman, na kung saan ay sa mismong bakal na riles nakatambay ang magkakamag-aral? Kada-Linggo ang kalimitang araw ng tagpuan. Kapag nagkita-kita sa Cathedral matapos ang misa ng alas-sais ay sama-samang pupunta kina Eric at doon magkukumustahan at magpapalitan ng mga plano sa buhay..

Dsc_0630

Maraming taon na rin ang lumipas at ganito na ngayon ang itsura ng maraming lugar sa kahabaan ng riles matapos ang demolisyon:

Para sa maraming nainirahang napaalis sa lugar, ang riles ay mananatili na lamang isang alaala, mga alaalang sa isang iglap ay kasamang lumisan ng mga ginibang pader, sahig, dingding at bubong.  Katulad din natin, lalo na yaong direktang nakaranas ng buhay-riles, ay tiyak na di makakalimot sa katotohanang ang Daangbakal ay naging  piping saksi rin  sa ating paghabi ng mga musmos na pangarap.

14 thoughts on “Buhay-riles

  1. Eric Macatangay

    Good day to all. Alam n’yo nalungkot din ako nang nabalitaan ko yang demolition. Pero still nandun pa bahay namin. Medyo naalis lang yung store ng mga utol ko.The place is indeed memorable for the peps, especially kina Lito, Didi, Eddie, Larry, Mario, Jimmy, Keith, Mel, Dado, George, Ruby and Noel, na madalas bumisita sa amin noon.

  2. Jeremy

    Nakakalungkot naman itong article nyo. Saan kaya napadpad ang mga kaklase kong nakatira dati dito? Madalas din ako dati sa riles, malapit sa Solis.

  3. Johnny Natividad

    Thanks for this article, guys. Parang nakakaiyak, especially for someone like me who also grew up along da riles. Ang riles talaga may pagka-notorious para sa marami. Pero maganda ring malaman ng mga tao na marami sa mga naninirahan doon ay marunong ding mangarap – at magsikap para maabot ang mga pangarap. Katulad n’yo na lang, na sa kabila ng naabot ay marunong at matapang pa ring nakakabalik sa pinanggalingan. Keep up the good work!

    The Site Team: Salamat din, Johnny, sa napakagandang komento.

  4. Lourdes Factura

    i just would like to request the possibility that we can meet eric macatangay. he was with us in cagayan de oro for about two years, way back in the ’90s. we are now here in manila for good since 2005. we hope he will contact us.

    The Site Team: Hi Lourdes, we have forwarded your contact information to our classmate Eric (he is currently working in Saudi Arabia). We’re sure he will get in touch soon.

  5. Larry Ramos

    Eric,

    P’re, kalungkot talaga yan. Same thing we experienced nung tinamaan kami ng kalsada kaya pinalayas kami ng Tondo. P’re may pag asa pa riles natin, saan mo gusto MRT o LRT?

    Larry

    The Site Team: Larry, kung titira ka sa gilid ng MRT or LRT, magastos. Biro mo, high-rise ang kailangan mong ipatayo. Sa escalator pa lang lugi ka na. Hingin n’yo muna advice ni June Lapira, taga-LRTA yun.

  6. Santos

    Hola amigos,

    I lived in the Philippines for 4 years 87-91. I lived in Subic Bay at the time. I was married for 23 years to my Filipina wife who was from IloIlo and the sweetest wife sa mundo. She recently passed away due to cancer. I however still gather with my Pinoy familia in the philippines. Every year or other year I have been sending balikbayan boxes to the Philippines to my wonderful extended Fiipino family. And yes, some of them live in Tondo. I have also been going to Tondo for many years. I want to say that as a hispanic who grew up poor in the barrios of San Antonio, Texas I felt very comfortable with the family in Tondo and all my friends in Tondo.

    Tondo might be poor with poverty but the people have a heart of gold and will share their last bowl of food with you with a gracious heart and a welcoming smile. I even have my Barangay card Barangay 94 Zone 8. I have many friends in Tondo. The spirit of Tondo is evident with the daily smiles and laughter of children. When possible I enjoy helping bringing joy to the children by bringing toys when I can.

    I am not rich either but when I get blessed by God, then I in turn share that blessing with my familia there and with others. I am happy to associate myself with the wonderful people of Velasquez and Nepo.

    Hello to Mila and her family who have a sari-store there. Gracias to all the beautiful people who make me feel welcomed and as one of theirs when I visit and stay there. Fiestas in Tondo are so wonderful and fun.

    Okay, that’s all for now. Muchas gracias amigos de las Filipinas. Mabuhay y saludos a LAS iSLAS DE LAS FILIPINAS.

    The Site Team: Hola Senor Santos, muchos gracias for this wonderful comment.

  7. Jessica Nielsen

    hi guys, i enjoy reading your blog and it’s really marvelous to follow your story as classmates and friends. high school is really the happiest chapter in one’s life, not only there in your country but everywhere.

    one request i have: why not provide an english translation to articles such as this one? i hope it’s not asking too much?

    cheers!

    The Site Team: Hi Jessica, thanks for visiting our blog. It’s nice to know that people from other countries also appreciate what we do here. Don’t worry, we will try our best to grant your request.

  8. Larry Ramos

    Iit is very heartwarming to read people other than LDHS peps visiting our site and commenting.

    Dear Jessica,
    Thanks for visiting our site, hope to hear more from you. Mabuhay ka!

    Hola Santos,
    Thanks to you also. You are right, in spite of the poverty people who grew up in Tondo are heartwarming and friendly. I really felt bad when we left the place and much worse, we got nothing in return. Our house used to stand on what is now Capulong St.

  9. nakakalungkot talaga. way back to year 2003 tumira din ako sa riles sa blumentrit sa antipolo street. kakalungkot lang isipin sa isang iglap lang e wala na yung tindahan ng tyuhin ko sa blumentrit along da riles. dun mo makikita ang saya at lungkot ng buhay lalo na kung wala ka makain, gaya ng ating mga kababayan na naghihikahos sa hirap dito sa manila… tsk isang alaala na lang para sa atin ang buhay sa riles.

  10. Wendy Macaraeg

    ang ganda ng artikulo. bigla ako napaiyak nang maalala ko ang buhay namin sa tabing-riles. pero masaya rin na nakaahon din kami mula roon dahil sa sipag at tyaga.

  11. Lhyn

    pero sa kabila ng lahat, ng kahirapan, masaya pa rin ang mga pinoy. sabi nga nila, di baleng salat sa pera at kayamanan, basta sama-sama lang ang buong pamilya ok na.

  12. Dolor Ticar San Pablo

    Sarap balikan ng lugar na ito, ang lugar kung saan nagbigay ng tunay na larawan ng aking kabataan,. Dito ako nagsasaranggola, nanghuhuli ng tutubi, tumatakbo at nakikipag-away sa aking mga kalaro kapag ako ay nadadaya. Ang saya! Dito ko rin binuo ang aking mga pangarap at gawin itong inspirasyoon para iangat ang antas ng buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s