Larawang kupas

“Sa isang larawang kupas, ay aking nasilayang muli
Ang ating lumipas, kung maibabalik ko lamang
Panahon at ang oras, hindi sana lungkot
At pagsisisi ang dinaranas”

Hindi kami tutula sa post na ito. Gagamitin lang namin ang ilang linya ng kantang iyon ni Jerome Avalo bilang literal na deskripsyon ng mga larawang nahukay na naman namin sa aming mga lumang baul. Talagang mga kupas na kupas na at medyo nahirapan din kaming ibalik sila sa dating porma. Pero pagtyagaan na rin. Mas mainam na ito kaysa sa tuluyan silang mawala.

Yung picture sa itaas, si Nitz Mercado at si Larry Ramos. Mahiyain kasi si Larry noon kaya si Nitz na lang ang nagpasyang umakbay.🙂 Kuha ito sa Ventura Annex, noong isa pa itong birheng gubat at wala pang nakatayong mga gusali.

Ang sumusunod namang mga kuha ay sa Angono.

Si Ma’am Fe Calope-Lomantas at si Ma’am Lilia Andres ang mga ito. Matagal-tagal na rin naming hinahanap ang larawang ito dahil ito na lang ang natitira naming alaala kay Ma’am Lilia, ang aming tagapayo sa Ang Baranggay. Hindi na namin siya nakitang muli mula noong lisanin namin ang Lakan Dula. May kwento na nasa Austria na raw siya at doon nakapag-asawa. Sabi naman ng iba nasa Switzerland daw. Nasaan na nga kaya siya?

Si Ma’am Lilia uli kasama ang mga peps: kapirasong Eric Macatangay, kapirasong Mel Abas, Didi Espiritu, Mario Mercado at Ariel Dimacali.

Heto naman po sina Ana Marie Joaquin, Yoly Mañalac, Zeny Cervantes, Eric Macatangay, Eddie Roberto, Mel Abas, George Hizon, at Jimmy Borja.

At ang huling larawan … Si Larry at Ariel. Ano gimik ng dalawang ito?

Eniwey, ang mga litratong ito at iba pa ay makikita rin dito at dito.

5 thoughts on “Larawang kupas

  1. Larry Ramos

    Hello guys,

    Grabe, senting-senti ako. This post made me stopped for a while, reminisced and imagined what I was doing then. Para daw akong baliw dito na napapangiti dahil naaaliw ako sa itsura ko (natin pala) at sa mga naisip kong mga kabaliwang pinaggagawa natin. Thanks, Tolits, these photos somehow bring back some happy memories. I got this feeling na parang gustong mabuhay ng bangkay. Thanks a lot, friend.

    And to “friendship”, nagawa mo ‘yun? Hahaha!

    Larry

  2. Larry Ramos

    To Ariel, June and Eddie,

    Sorry guys, I missed your party. No excuses, just plain sorry. Will make up one day, sure yun.

    Larry

  3. June Lapira

    Larry/ Lito,

    Hindi ko alam kung sino ang may ari ng mga “larawang kupas” na iyan. Pero ganun pa man sa pagtunghay ko ay muling nanariwa ang nakalipas sa aking alaala. Kahit wala ako sa mga larawan ay alam kong mga ka-batch ko at guro ko ang naroroon. Kaya ganun din marahil ang aking hitsura noong panahong iyon kung ako’y kasama nina Larry, Ariel, Mario, Red George, Ana Marie, Zeny, Eddie, Eric, Yoly, Jaime (yumao na), Mel Abas at Didi.

    Masayang balikan talaga ang nakalipas, di ba mga kapeps? Kaya ipagpatuloy ang pagnangalap ng ating mga kamag-aral saan man silang lupalop ng mundo naroroon at sa pamamagitan ng internet ay magkita-kita tayong lahat. Mabuhay ang IV-1, batch 78!!!

  4. Eric Macatangay

    Parang kay Eddie galing itong mga larawang kupas. Nakakalungkot at nakakatuwa talagang balikan ang nakalipas natin. Imagine lahat yata ng happenings noon ng peps present ako. Kahit dito ko sa malayo di ko nalilimutan ang peps. Mabuhay peps ’78!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s