Life of the party

Kahapon, habang magkakasama ang mga peps sa Mall of Asia, nagcha-chat naman sina John Marcella at Lito Parungo. Pinagagalitan ni Lito ang kamag-aral dahil hindi na naman ito dumalo sa napag-usapang pagkikita. Hindi tuloy magkandaugaga ang John sa paghingi ng paumanhin.

Marami na kasing nakakamiss kay John. Kahit wala nga siya kahapon, palaging sumusulpot ang pangalan niya sa kwentuhan. Tulad na lang nang mapag-usapan kung sino ang may lihim na crush  kay Eddie Roberto noong high school. JM daw ang initial, at syempre ang Eddie si Jo Monte de Ramos agad ang nasa utak. Hindi pala niya alam, si JM ay si John Marcella.

Sa mga peps, isa si John sa masasabing life of the party. Nakakahawa ang pagiging masayahin. Si Nitz, George, Ruby, Lito … halos lahat yata’y nakukuha niya ang kiliti.

Pero minsan naiisip  din namin na may panganib ang ganitong pagkahon sa kanya. Ipagpalagay, may problema na palang bumabagabag sa kanya pero tayo naman inaasahan pa rin siyang gampanan ang papel niya bilang kenkay. Unfair, di ba?

Dahil katulad natin, may mga pagkakataon ding inaabutan ng lungkot si John. Sa nakaraan nating class reunion, halimbawa, marami ang nabagbag ang damdamin sa kwento niya tungkol sa kanyang namayapang ama. Kahit maraming taon na ang lumipas, hanggang ngayon ay nariyan pa rin ang panghihinayang ni John sa maraming bagay na hindi niya nasabi sa kanyang tatay noong ito ay nabubuhay pa.

Sa mga hindi nakadalo sa reunion, ganito ang eksena ni John habang binabalikan ang kabanatang iyon ng kanyang buhay:

2 thoughts on “Life of the party

  1. Larry Ramos

    I agree with what has been written about JM. He really makes a party alive with his antics and with his genuine personality. John, I really miss you. It is a part of what I have missed a lot for not having attended the reunion. The last time I was with you sa office ni Rems, and I really had a grand time. I enjoyed every minute we were with you. Hope to see you soon and perhaps we could share something about our dads. Marami rin akong baon eh since tatay passed away too. Baka may makuha akong lesson sa iyo. Thanks, John (Joan kaya?)

    Larry

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s