Ganito tayo noon …

Heto pa ang mga bagay na magpapaalala sa ating kamusmusan:

Luksong Tinik

*Nagpipitpit ka ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting.”

*Pinipilit kang matulog ng nanay mo kada hapon at di ka papayagang maglaro pag di ka natulog.”

*Marunong ka magpatintero, saksak-puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik, chinese garter …”

*Malupit ka ‘pag meron kang atari o family computer.”

*May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Blowing Bubbles.”

*Addict ka sa Rainbow Brite, Carebears, My Little Pony, Thundercats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos, He-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa Tagalog.”

*Gumagamit ka ng Aquanet para pataasin ang bangs mo.”

*Mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo.”

*Six digits lang ang phone number nyo dati.”

*Nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala.”

*Inabutan mo pa ang Magnolia Chocolait na nasa bote pa, na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref.”

*Meron kang pencil case na de-magnet at maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo.”

*Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na kwadrado.”

*Alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty. At, s’yempre, alam mo rin kung ano ang ibinigay niya sa nanay nang umakyat ito ng puno.”

*Laging lampin ang sinasapin sa likod mo kapag pinapawisan ka.”

*Bumibili ka ng Tarzan, Texas at Bazooka bubble gum at tira-tira.”

*Kinukupit mo at pinanonood ang mga porno tapes ng tatay mo na nasa betamax format pa.”

[Photo credit: Leon B. Dista.]

One thought on “Ganito tayo noon …

  1. Cristina Cena

    hmm!! i remember them all .. and able to let a big guffaw out.. ha ha ha..how time flies, really! but the wisdom i gained is something worth to be proud of.. thanx LDHS, thanx my beloved school, now not an old dilapidated building anymore as all valedictorians will address LDHS rather an oasis of knowledge.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s