Cellphone vs. bible

bibleAng IV-1 peps ay binubuo ng 45 nilalang. Kaya napapansin n’yo siguro iba-iba rin ang tema ng ating mga artikulo. Sari-sari, halu-halo, labu-labo. Ang saya-saya. Tulad nitong susunod naming post na padala ni Eric Macatangay na gusto niyang ibahagi sa mga kamag-aral. Gusto lang daw magpaalala sa mga nakakalimot “tumawag” …

Ang cellphone laging hawak, ipinapakita,
Ang bible laging nakatago at ayaw ipakita.

Ang cellphone binibili kahit libo-libong halaga,
Ang bible ayaw bilhin, kahit isang daan ang halaga.

Ang cellphone laging pinapalitan ng case,
Ang bible hindi man lang mabilhan ng case.

Ang cellphone ayaw magasgasan,
Ang bible hinahayaang maalikabukan.

Ang cellphone bihirang makaligtaan kung saan iniwan,
Ang bible madaling makaligtaan kung saan naiwan.

Ang cellphone mahirap ipahiram, baka masira,
Ang bible madaling ipahiram, kahit mawala.

Ang cellphone laging binabasa kung may bagong message,
Ang bible hindi binabasa kaya hindi makita ang message.

Ang cellphone pinapakita ang lifestyle ng tao,
Ang bible nagpapabago ng lifestyle ng tao.

Ang cellphone mabilis maluma,
Ang bible hindi naluluma.

Ang cellphone message kung minsan ay late,
Ang bible laging on time ang message.

Ang cellphone kailangan magload para mag-message,
Ang bible laging fully loaded ng message.

Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao,
Ang bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng tao.

~Author Unknown

cellphone

2 thoughts on “Cellphone vs. bible

  1. Remy-Tuazon-Martin

    Thanks, Eric. Maganda ang messages ng ipinadala mo lalo ngayong malapit na ang Holy Week. And it’s true ha talagang marami ng nakakalimot dahil sa mga bagong technology, lalo na yang celfon. Ingat ka na lang diyan and God bless.

  2. Eric Macatangay

    Thanks, too, Remy. Pero pwede rin namang magamit ang hi-tech. Actually, pinapayagan na ng church na maglagay ng bible messages sa celfone. Dito nga nga sa Saudi kalat ang Quran sa celfone at ginagawa pang pang ringtone. Ingat din and God bless.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s