Interview with John

John Marte MarcellaManila-Amsterdam – After our high school graduation, John Marte Marcella (photo) was one of those peps who chose to be “reclusive”, as Larry puts it in his comment today about the mini-reunion we just had.

We had hardly heard from John for years, until we found him from nowhere and, fortunately, he was equally eager to establish links with the “veterans” of the class.

Since then, we had been trying our best to make him feel welcome and would regularly ask him to write articles for the site. But he was so stingy with words and we were left guessing as to what was really going on in his mind. We only have one reason why we wanted him to be more active: we don’t want any member of the class to feel uncomfortable or uneasy when he or she is with the group, yun bang nahihiya.

That’s why we are glad John did join the January 5 meeting. Reading Larry’s comment about him and his participation in said gathering will convince you that John is really back – and with a vengeance!

In this no-holds-barred interview, John is definitely no recluse anymore as he answers head-on Lito’s myriad questions about life, love, family, career, literature. And of course, his philosophical musings about us, his former classmates.

Now that Ronnie Gorgonio is back (more on him soon), we do hope he draws inspiration from John who returned to reclaim his rightful place within the group. Quoting again from Larry the great: once a pep will always be a pep (sakit sa tenga ng singular).

Hope you enjoy this interview as much as John and Lito did.

PASAKALYE

Lito: hi po

John: may virus ako

Lito: anong virus?

John: computer

Lito: sus, ‘kala ko anong virus na. magdownload ka ng anti-virus program

John: kumusta ka na

Lito: nasa work pa. inaantok ako

John: ganon ba

PAGMAMAHAL SA KAMAG-ARAL

Lito: naiyak ka raw tungkol kay ronnie gorgonio, sabi ni eddie

John: yap. ok na ba siya, dear

Lito: sumama ka kay ruby. dadalaw yata sila bukas or friday, di ko matandaan kung kelan

John: gusto ko sya mayakap at maipadama ang aking pagmamahal

Lito: kaya nga sumama ka. dapat lang na dumalaw ka. matagal na nating di nakikita yun

John: buti naman nakita na

Lito: nakausap na ni ruby sa telephone

John: ok … cute pa rin ba siya

Lito: ‘nay ko po!

PASALUBONG

John: kailan balik mo sa pinas?

Lito: july. attend ako ng reunion sa july

John: pasalubong ko ha?

Lito: ano ba type mo? matangkad?

John: hahanapan mo ko dyan? ohhh, ok well, good. tall and cute ba?

Lito: gano kalaki dapat?

John: 5’11 pwede na

Lito: anong trabaho dapat niya? teacher din?

John: ok lang kung teacher

Lito: sige. ikalat ko pic mo dito

John: cge. i love it

Lito: bawat bus stop ilagay ko litrato mo

John: ha? hehehehe … ano yun, wanted

Lito: syempre, para ok sa exposure

John: hahahahahahha. exposed ang beauty

REUNION

Lito: masaya ka ba noong reunion? nagsayaw ka raw, sabi ni nitz

John: yes. very happy. really happy with them

Lito: ‘kaw kasi lagi ka nagtatago kaya ngayon ka lang nayaya … enjoy nga raw sila sa dance routine mo

John: really?

Lito: ginagamit na raw ni george, eddie at larry sa exercise

John: talaga? ok

Lito: dapat ikaw ang gawin nilang personal trainer at paswelduhin ka. nagbibigay ka ba ng dance lessons?

John: sure, like aerobics

Lito: magkano per ora?

John: 200 per hour

Lito: ang mahal naman!!!!

John: piso. hehehehe

Lito: ayan. payag ako

John: ok

Lito: dapat ang mga peps may discount. kailangang mag-exercise kami lahat. nagtatabaan

John: correct

HOUSE SITUATION, LOVELIFE AND FUTURE PLANS

Lito: sino kasama mo sa bahay? mga kapatid mo?

John: bayaw at ate ko kasama ko … at aso, mga ibon. african bird

Lito: may bird ka na pala

John: yes

Lito: eh di dapat masaya ka na

John: yes

Lito: papatignan mo kay keith pag may sakit

John: yes, too

Lito: ba’t di ka na lang kumuha ng sarili mong bahay para malaya ka

John: ok lang, saka na ‘pag yumaman ako … sana magnegosyo na lang tayo ng mga peps

Lito: ano namang negosyo? magtinda kaya tayo ng gulay diyan sa kalentong?

John: gulay?

Lito: oo. magpromote tayo ng vegeterianism, para maging healthy uli mga tao

John: cge

Lito: sige pag-isipan ko ‘pag nagretire na ko. kumbinsihin natin sila na mag-invest … ano ba mga plano mo sa buhay?

John: maging masaya sa piling ng papa ko

Lito: puro ka papa

John: hehehe

Lito: dapat pasayahin mo muna sarili mo bago ka magmahal ng iba

John: s’yempre, dre … masaya naman ako, may computer na ako at ka-chat kita

Lito: haha. madali ka naman palang pasayahin. sige, mag-asawa ka na nga

John: may internet pa ako

Lito: oo nga. pero pag nag-asawa ka dapat bumukod kayo

John: oo naman

Lito: at dapat may trabaho din siya. baka ikaw lang kumayod

John: oo nga. tama, dapat

Lito: piliin mo ‘yung kaya kang buhayin, pati magiging anak nyo

John: ano ako, may matris

Lito: hahaha

John: hahahaha

Lito: marami nang medical wonders ngayon. humingi ka ng payo kay doktora rorie, o kay dok keith

John: keith? ano ‘ko ibon?

Lito: hahaha … nawala ang antok ko. naaaliw ako sa ‘yo

THE PEPS

John: ka chat ko si ruby isang gabi

Lito: oo nga raw. wala kasi ako sa bahay, late na ko umuwi. friday, para kasama si dado

John: ok … si eddie ang saya kausap, kwela

Lito: oo nga … natutuwa rin siya sa iyo, lagi kang kinukwento

John: I see

Lito: sabik na kasing magkaroon ng anak na babae kaya nakyukyutan sa ‘yo

John: i really like the peps

Lito: masaya naman ang mga peps. nung nabasa ko nga mga report nila sa reunion natatawa rin ako

John: yes indeed

Lito: kaya ‘wag ka na hihiwalay… kaso paalis na papa eddie mo. punta na ng canada

John: why naman

Lito: di mo ba nabasa sa ating site? nandun ang balita

John: susundan ko cya

Lito: mabuti pa, paampon ka na lang sa kanya. kahit maglaba-laba ka lang sa canada … tapos habang nagpapahinga ka magwalis-walis ka ng bubong para matuwa ang misis niya

John: hahaha

Lito: wala ka ba balak magturo sa abroad?

John: ha? tama na dito

Lito: marami ka namang experience

John: masaya na ako dito

Lito: sabagay, mas masarap sa pinas … si dado nga nalulungkot sa amerika at si eric, sa saudi, dinadaan na lang ang lungkot sa videoke. kaso ang mga pinoy naman daw ang nalulungkot pag narinig siya kumanta

John: ganon? balik na kayo

Lito: kailangang kumita, baka tumirik mata ko sa gutom diyan. dito rin nga mahirap din, nagdidildil lang ako sa toblerone at M&M

John: hehehe. ako, asukal lang.

MANANANGGAL AT IBA PANG KABABALAGHAN

John: dami pa pusakal dito

Lito: kaya mag-iingat ka

John: oo naman

Lito: wag ka maglalakad sa dilim, lalo na pag nakasuot ka ng puti … baka bigla ka na lang sunugin ng taumbayan sa plasa ng sta. ana

John: ano ko, aswang? lagot sila kung ganun

Lito: tumatawa na ko dito sa opis, nagtataka mga tao

John: ako ang kauna-unahang gay na aswang. hahaha

Lito: at least hindi ka manananggal, delikado pag manakaw ang kalahati ng katawan mo, pagbalik mo sa lamyerda sa ere, wala ka nang babalikan

John: ok lang. hanap ako kapalit na kalahati ko

Lito: oo nga, babaeng kalahati ang hanapin mong kapalit, para kakantahan ka namin ng “this girl has turned into a woman” … tama na, nahahalata na ko dito sa kakatawa

John: grabe ka, pigilin mo

Lito: napapahalakhak ako sa opisina … dapat nagtatrabaho ako

John: ang dali mo namang tumawa

Lito: pag nasisante ako, ikaw ang may kasalanan

John: ganon?

Lito: talagang matutuloy ang pagtitinda natin ng gulay ‘pag nagkataon

SISA AT ANG ANG PAGHAHANAP KAY CRISPIN AT BASILIO

Lito: alam mo bang gustong-gusto ni eddie yung pag-arte mo dati ng sisa?

John: oo

Lito: naalala ko rin nga yun … sa ventura mo ginagawa ‘no?

John: yap. tagal na nun di ba?

Lito: magaling ka kasi kaya di nakakalimutan ng mga tao

John: i almost cried when I saw your email

Lito: aling email?

John: yun email na gawa mo

Lito: tungkol saan?

John: nagulat me

Lito: marami na ko email na ginawa

John: noong hinahanap mo ako

Lito: ah … galing di ba? ngayon mas marami tayong naghahanap kaya tumulong ka

John: oo. kahit sa parang at bukid

Lito: kahit nasaan pa hahanapin natin, kasi pag peps, laging peps … buti nga di mo pa rin kami nalilimutan, kala namin isnabera ka na

John: di po

Lito: buti naman, otherwise, sinabuyan ka sana ni resty ng tubig sa hap chan … kumukulo pa

John: pag nakilala mo ko madaldal talaga

Lito: oo nga, dati may pagka-demure ka

John: malungkot nga ako

Lito: o bat ka nalulungkot?

John: noon, di ko kayo mahanap eh … ngayon my wish has been granted

Lito: eh pano iba siguro hinahanap mo. baka sina basilio at crispin pa rin

John: hahaha

Lito: ibaon mo na sa limot ang mga yun, sisa. may kanya-kanyang papa na ang dalawang yun. hahaha … tama na. mag-work na ko uli

John: ok.

Lito: hanggang sa muli

John: ok take care ha? miss you

Lito: ok, thanks

John: and be happy ha

Lito: napasaya mo nga araw ko. salamat po. bye

John: bye

[Epilogue: Ok ba sa intro? Hayan, inuso n’yo kasi ang pagbabalik-isip-bata. Nahawa tuloy ang Tolits.]😀

4 thoughts on “Interview with John

  1. Remy Tuazon-Martin

    Hahaha…. Pati ako tawa nang tawa habang binabasa ko interview mo kay John, lalo na sa personal niyang buhay, Lits. Noong paakyat nga kami ni Reny sa Baguio, sakit ng tyan namin dahil sa katatawa, pinag-uusapan ang nakaraang miting. Kinabagan nga kaming dalawa.

    Nakakaaliw talaga si John ngayon. Sana July na ano para magkitakits na tayo ulit kasama ka and hopefully the other peps, Dado and Eric…

  2. Eric Macatangay

    Jeddah-Amsterdam – Pare, ok ‘to ha. Parang Boy Abunda ka na ngayon. Natawa me sa mga sagot ni john. Feel ko lumalawak na peps at mabubuo uli tayo. Sana ma-interview mo silang lahat para yung mga iba nating peps lalo maengganyo at magshare sa site natin.

    Pakipasok lang nung video nina Dionne Warwick “That”s what friends are for” doon sa Video Section, kasama ng kina John Travolta at Muhammad Ali.

    Wala pa rin bang balita kina Budz? Mel? Ric? Malu? Eva? Rey?

  3. Lito Parungo

    Oo nga. Ok na idea na gawing isang regular feature ang interview. Pag-isipan natin kung ano magandang format. Actually yun nga ang naiisip talaga, ang magbigay ng mas comprehensive na profile sa bawat isang peps. Yun bang pagbukas mo dun sa The Class at pagpindot mo sa bawat pangalan, may lalabas na parang biographical sketch. Targetin na lang natin in the future. Matrabaho kasi. Kailangan mainterview ang bawat isa. At isyu din ang pagsusulat. Anyway, kakayanin natin.

  4. Rorie Quijano

    Naku, Lito, John, naalala ko yung interview ninyo while in a meeting. Para akong sira na ngingiti-ngiti while nagsasalita ang Usec namin; seryoso pa naman ang usapan. Hhinihintay ko na lang na ipatawag ako for a reprimand!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s