I’m looking for …

Are there former classmates (aside from the peps) or teachers (aside from our teachers in fourth year) that you want to see again or at least know what and how they are doing?

Could you please mention them in the comment box? Who knows, they themselves might come across this post and respond. And of course, there’s always that possibility that someone else out there knows their whereabouts.

Consider this post as our panawagan section. It’s also open to all LDHS graduates.

18 thoughts on “I’m looking for …

  1. Lito Parungo

    Yes! Sa mga teachers, I want to see the following again:

    Mrs. Yoly Perez, my journalism teacher in third year;
    Mrs. Torrijos, my math teacher in first year;
    Miss Llanes, my chemistry teacher and class adviser in third year;
    My statistics teacher in third year but I forgot her name (Eric or Resty, help!).

    Sa mga former classmates and schoolmates:

    Bernie Cristobal and Orlando Castro, best friends in second year;
    Norberto Gutierrez, kaharutan in third year;
    Crisanto Apilado, best friend in first year.

    At gusto ko ring mabalitaan kung ano na nangyari kay Ernesto dela Cruz. Kumusta na kaya ang mamang ito?

  2. Eric Macatangay

    Lito, si Ma’am Yoly Perez is still teaching journalism at Lakan Dula. I saw her before I left nung binisita ko anak ko sa school. She even introduced me to the IV-1 class, batch 2006.

    Si Ma’am Rosalita naman na teacher natin sa statistics dati, nakasakay ko siya sa jeep minsan sa Calamba. Doon siya nagtuturo sa Perpetual College-Calamba. Di ko maalala married name niya, nasa dulo ng dila ko. Ask Zeny kasi nagkita pa kami by chance bago ako lumipad for Jeddah at naging teacher yata ng anak n’ya si Ma’am Rosalita.

    Si Bernie nasa Balaya, Tondo pa rin, with his family and kids. Si Orly naman, nasa Muntinlupa. Na-meet ko siya a few years ago pa.

    Si Neto naman, nakita ko minsan sa Manila City Hall. Sa PLM nag-aral yun.

  3. Arnel Batungbakal

    Lito,

    Thank you nga pala sa article tungkol sa akin sa PEPS’ website. My wife loved it.

    Si Bernie Cristobal? Paano malilimutan ang taong yan sa daming kanin at ulam na ipinakain nila sa akin nuong high school. Alam mo napakabait ng family ni Bernie lalo na ang Mommy niya. Sayang nga di ko na rin nakikita nang matagal. I think I last saw him in 1994. Nagawi ako sa Dagupan at pinasyalan ko siya. Ang hindi ko na nakita ay si Orly mula nuong graduation sa high school. Sabi ni Eric nasa Muntinlupa si Orly but our paths never crossed.

    Naiisip ko nga ang mga kaklase natin nuong high school. Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Mabuti na lang at may website kayo. Sana maging daan ito para magkaroon ng balita hindi lang sa IV-1 kundi pati na rin sa buong batch. Hayaan mo pag may nabalitaan ako tungkol sa iba ipapaalam ko sa inyo. Minsan sumulat sa akin si Ernesto Diaz, classmate natin siya ng 2nd year or third year. Nasa Canada daw siya. Nag reply ako sa kanya pero di na siya sumagot. Si Ernesto Dela Cruz naman nakasalubong ko sa Arroceros St., near Manila City Hall nuong 1998. Hindi nagbago ang hitsura ni Neto ganoon pa rin pati demeanor. He gave me his number pero do ko na rin natawagan.

    Pag nagawi kami sa Amsterdam (hindi ko alam kung kelan), we will look you up.

    Stay in touch! Balitaan mo ako sa ating mga kaklase from time to time. I shall visit the site often.

    Arnel

  4. Lito Parungo

    Naalala ko nga tuloy bigla, Arnel, yung ermat ni Bernie. Kami rin ni Eric, madalas mag-lunch dun sa bahay nila sa Benita. Kabilib, no? May ganung nanay pa kaya na nagpapakain ng sangkaterbang kaklase ng kanyang mga anak? Kina Eddie, Mario, Didi, at sa amin din, madalas maraming nakikikain noon. Buti nga hindi maseselan, kahit ano lang binabanatan. Grabe, pati mga kamag-anak nga namin nadadamay. ‘Pag kinapos kaming magkakaklase ng kanin, utos agad ako sa mga kapatid ko na umarbor muna.

    At naaalala n’yo pa rin ba na ang Benita rin, sa isang bakanteng lote doon, madalas maganap ang mga naka-schedule na suntukan noon? Balak ko nga magsulat tungkol dito, magandang i-analyze.

    Yung nature nga pala ng site, para talaga sa klase namin ito. Ayaw kasi namin pangunahan yung ibang batchmates. Baka meron din kasi silang balak. Pero, syempre, welcome naman lahat, lalo na yung mga naging former classmates namin. Sarap ding makibalita. Ang dami ko ngang naaalalang classmates natin. Sina Romeo Tuliao, Fernando Gacuya, Percival Sugay, at marami pang iba na hindi ko pa mabigyan ng pangalan sa ngayon. Mga classmates natin sa I-4, II-2 at III-3, saan na kaya?

  5. Marlene Juralbal-Meijerbom

    Dear mga lV-1 peps,

    Pwede rin ba akong makisawsaw sa site ninyo? Wala kasi kamíng sariling website?

    Sana makontak ko rin former classmates ko like Ardeliza Medenilla, Emelita Bisa, Annabele Bustamante, Roberto Samala, Luningning Santiago, Jaime Gracia, Diana, and yung iba pang Batch ’76. Please get in touch.

    Marlene Juralbal-Meijerbom
    IV-1, Batch 1976
    Sweden

  6. the Site Team

    Hi Marlene,

    Oo naman. Pwedeng-pwede. Hindi lang makisawsaw, “makikain” ka na rin. Ibig sabihin, welcome na welcome kang makihalubilo sa sa aming pagbabaliktanaw sa ating high school days sa LDHS.

    Nagpang-abot pa tayo sa Lakan Dula. May mga binanggit ka ngang pangalan na pamilyar. Anyway, sana sa pamamagitan ng site na ito ay makontak mo rin ang iyong mga batchmates.

    Sa iba pang schoolmates at batchmates, welcome din kayo.

  7. Eric Macatangay

    Hi Marlene,

    You are most welcome here. Alam mo parang kilala kita, kasi ka-batch mo yata si Diana Dimacali or ang kuya ng aming si Ariel Dimacali. Sana nagpadala ka ng pictures mo para maaalala ka namin.

    May na-meet na ko from IV-1, class ’76, kaso ilan lang kilala ko sa mukha. God bless, Marlene.

    Hope marami makabasa ng comment mo from your batch.

  8. Marlene Juralbal Meijerbom

    Hello Eric and the Site Team,

    Maraming salamat naman at welcome n’yo ko kahit na akyat-bakod lang ako. Alam n’yo bilib ako sa gagaling n’yo sa computer. Wala pa ‘yan noong panahon namin, este, natin pala.

    Magpapadala ko ng pictures kaya lang magpapatulong muna ko nang konti sa anak ko kung paano. Medyo tonto pa kasi ako sa technology na ‘to`eh.

    Eric, ate mo pala si Diana? Yes, Kaklase ko siya. Isa siya sa pinakamaganda sa klase namin. Kumusta na siya? Baka hindi na niya ako kilala kasi di naman ako sikat sa amin noon eh. Sana ma-recall niya ako. Please give my regards to her.

    More power sa site n’yo. Alam n’yo marami kayong napapaligayang tao. Salamat ulit.

  9. Eric Macatangay

    Hello Marlene,

    Thanks. Pero correction: si Ariel ang kapatid ni Diana Dimacali. Salamat sa comment mo sa site namin at hope lagi mo sinusubaybayan ang mga latest updates dito. Yung sa pag computer medyo sinasabayan lang namin ang trend kasi may anak ako na laging nasa harap din ng computer. Kakainggit kung sila lang lang marunong. God bless.

  10. Lito Parungo

    Hi Marlene,

    Sige, antay namin ang iyong photo at i-post namin. Malay mo, baka matisod ng iyong mga kaklase at maging simula ng inyong pagkikitang muli.

    At maraming salamat sa pagdalaw sa aming site.

  11. Marlene Juralbal-Meijerbom

    Sorry Eric, nagkamali ako. Si Ariel kasi ang naisip ko and ikaw pala ang sinusulatan ko. Masyado kasi akong na-excite kaya medyo nalito ako. Sign of old age.

    By the way, Lito, nagpadala ko ng picture sa email nyo. Hope na receive nyo. Wait ko kung kelan nyo publish. Million thanks sa inyong dalawa.

    God bless din and more power.

  12. the Site Team

    Hi Wilfredo,

    Thanks for visiting the site. You know, we happened to have come across a blog that is still under construction. it’s URL is http://ldhs81.wordpress.com. We can only guess that someone from your batch is initiating this one. Hope they start putting some content soon.

  13. Manuel S. Vardeleon

    I am also an LDHS graduate, IV-2, batch ’80. I hope my classmates/batchmates would be able to visit this blog so that I could communicate with them.

  14. Ma. Cecilia dela Cruz

    Hi! I graduated from LDHS in 1983. Is there a specific website for Batch 83?

    The Site Team: Sorry, Cecilia, but we haven’t run across a website yet for your batch. May we request you to visit LDHS Alumni Network? This site is for all LDHS graduates. You can also ask your batchmates to register.

  15. Susan Amita-Tansiongco

    Hello guys, batch ’76 din po ako, kami yung vocational group IV-1A. ilan palang sa mga kaklase ko ang nammeet ko, Lauro Iganacio, sya yung Validictorian namin, Lucia Furo ang Salutatorian namin, Naly Bernardo (Sia na sya ngayon at naging husband nya si Rolando Sia), Francisco Francisco, Carlos Bautista at Juan Belga. Yung iba, wala na akong balita.
    Sana magkita kita pa rin kami. I-post ko pictures nun huling magkita kita kami. Next time uli.

  16. Hello, LDHS alumni. Ako si Annabelle Bustamante-Martinez, batch ’76. Kumusta na kayo? Hi Marlene, ang layo mo pala, sa Sweden. Pag me ‘time’ (or pera), papasyal kami dyan. Nandito ako sa Southern California. I papasyal din kita dito pag naligaw ka. Ano na kaya ang nanyari sa ating mga kaklase? Kelan ka uuwi sa Pinas?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s