Caroling

Alam n’yo bang kinarir din ng ilang peps ang caroling noon? Pasimuno nito sina Mario Mercado at Ana Marie Joaquin. Ewan kung ano ang nakain at bigla na lang naisipang mangaroling.

Christmas break noon kaya madali para sa mga carolers ang makpraktis sa Fullon St. o Pampanga St. Bukod sa mga tradisyunal na kantang pamasko, paborito s’yempre pa ang panlaban nating awiting “We three kings” na matiyagang itinuro sa atin ni Ana Marie. Kung natatandaan n’yo pa, ito rin ang awiting isinali natin sa isang citywide choral singing contest sa YMCA at sa ating iskul mismo na kung saan ay nanalo tayo ng first prize.

Yet another version of “We three kings”


Marami-rami ring bahay ng kamag-aral at kaeskwela ang napasaya (o naasar) ng aming caroling. Ang mga napasaya ay yung mga nagbigay ng datung, at isa sa mga naasar ay ‘yung isang tambay sa Raxabago, noong malapit na kami sa bahay nina Froilan Bulatao (saan na kaya siya?), na napagtripan ang aming roving band.

Kapag may tiyaga raw, may nilaga. Pagkatapos ng may dalawang linggo ring pag-iikot sa Tundo at Kalookan, eh di nagkapera ang mga sumali sa caroling.

2 thoughts on “Caroling

  1. Remy Tuazon-Martin

    About Froilan Bulatao, I saw him 5 yrs ago at Quezon. Neighbor siya ng ka officemate ng sister ko. Ok na sana buhay nila, may sugpuan sila, may canteen. Kaya lang nang bumagyo sa Quezon halos lahat ng naipundar at ang sugpuan nila nabaha. Di ko alam kung nakarecover na sila. Si Eva ang napangasawa niya, schoolmate din natin and they have 3 kids. Makikibalita ako sa kanya and will update the site asap.

  2. Ana Marie Joaquin-Chua

    Shit! nasenti ako. Akalain nyo naalala nyo pa yung “We Three Kings”. Kakamis……di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s