Parental wisdom, Pinoy style

Marami na rin sa mga parents natin ang yumao. Nitong nakalipas na dalawang taon, halimbawa, ay namaalam ang mga tatay nina Keith, Lito, George at Larry. Sa ating mga peps, may epekto rin ang balita ng pagkamatay ng kani-kanilang mga magulang. Kahit paano kasi’y naging bahagi na ang mga ito ng ating mga buhay, lalo pa nga noong madalas tayong magkita-kita. Mahal natin ang ating mga parents, at lalo nating mare-realize ito sa kanilang paglisan.

Pero noong bata-bata pa tayo, madalas ay hindi natin maintindihan ang pangaral nila. Laging may conflict at parang napakalayo ng agwat ng pananaw ng magkabilang kampo. Tiyak, ganito rin ang  nararanasan ng marami sa atin na naging magulang na rin ngayon.Ganun nga yata ang relasyong magulang-anak: mahal ang isa’t isa pero di nawawala ang di-pagkakaunawaan. Tawag daw dun, generation gap.

Ito ang babalikan natin sa nakakatuwang post na mababasa n’yo ngayon. Paikot-ikot na ito sa internet, pero maganda pa ring balik-balikan. Ituring na rin ninyo itong tribute sa ating mga magulang na marami ring sakripisyong pinagdaanan sa pagpapalaki sa ating lahat. Narito’t balikan natin ang mga pangaral ng ating mga magulang (at baka pati na rin ng marami sa atin ngayon).

***** 

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :

“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Kalilinis ko lang ng bahay, di nyo ba nakikita?”

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:

“Kapag yang mantsa di natanggal sa uniform mo, magdasal ka na!”

3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC :

“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:

“Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine.”

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY :

“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM:

“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!”

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:

“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo nauubos lahat ng pagkain mo!”

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:

“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:

“Iniluwal kita sa mundong ito, maaari rin kitang alisin sa mundong ito.”

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:

” Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!”

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:

“Manang-mana ka talaga sa ama mo!”

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY :

“Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION:

“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:

“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR:

“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita! ”

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE:

“Balang araw magkakaroon ka rin ng anak…tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!”

One thought on “Parental wisdom, Pinoy style

  1. Chat Molina

    Hahaha! Very true, indeed! This post reminds me of my parents, and sometimes of myself too when I’m dealing with my own children now. I’ll forward this to my friends. Thanks.:)

    The Site Team: You’re welcome, Chat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s