Slumbook

slam_book_bfut

Makukumpleto ba ang pagbabaliktanaw sa ating high school days na hindi nababanggit ang slumbook? Lalo na noong malapit na tayong grumadweyt, sunud-sunod ang dating ng mga slumbooks na kailangan nating sagutan.

Di rin biro ang oras na ginugugol ng may-ari ng slumbook. Isang simpleng notebook lang ito, at dito’y uulit-ulitin ng nagpapapirma ang mga tanong na gusto niyang sagutin ng kanyang mga classmates at kaibigan. Name, address, date of birth, etc.

Pero hindi ito ang mga pinaka-exciting na sagutin sa slumbook. Hindi rin ang tanong tungkol sa ating favorite color, o favorite song, o favorite film, o kung anu-ano pang favorites. Ang nakakatuwang balikan ay ang mga tanong (at sagot) tungkol sa ating pagtingin sa love.

Dahil mga dalaginding at binatilyo na, halos lahat ay nagsisimula nang i-explore ang konsepto ng pag-ibig, kung ano nga ba ang love. Kung babalikan natin ang ating mga naging sagot noon, ganito natin binigyan, halimbawa, ang kahulugan ng crush: “Crush is paghanga.” O kaya naman “Crush is one step towards love.” Ganito naman ang pakahulugan ng marami sa pag-ibig: “Love is like a rosary that is full of mysteries.” (Paki-send naman ng iba’t ibang definitions natin ng love.)

May nakapagtabi kaya sa atin ng slumbook? Pakipasa naman at nang maidagdag natin sa post na ito. Sarap pagtripan kung paano mag-isip ang mga peps noong panahon ng kanilang kamusmusan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s