Zeny’s day

zeny

Today is the birthday of our class salutatorian, Zeny Cervantes (in pic with hubby Jun Vigo). Together with a group of IV-1 peps, they are now enjoying themselves at a resort in Laguna. Happy birthday, Zen, and we do hope you’ll enjoy this day and the years ahead.

To those who failed to join the outing, we shall be posting the photos as soon as we get them.

Homecoming

Naaalala n’yo pa ba ang inyong high school love story? Narito ang isang maikling kwentong magpapaalala sa ating mga kilig moments noon. Sinulat ito ni Irish Mae Ignacio, at unang nalathala sa kanyang blog na may pangalang Tagalog Dito. Sana’y magustuhan n’yo at magbigay ng inspirasyon sa lahat na isulat at ibahagi sa amin ang inyong mga “musmos” na kwento ng pag-ibig.

***

Homecoming
Sinulat ni Irish Mae Ignacio

Halos malunod ka na sa mga papuring naririnig mo mula sa mga dati mong kaklase noong high school. Kesyo wala raw halos nagbago sa ‘yo, ang puti-puti mo na, ang seksi-seksi pa at pang-Creamsilk commercial ang iyong buhok.

Nangingiti ka habang ninanamnam ang mga papuring iyon. Totoo man o hindi ang mga ito ay wala kang pakialam. Isang buwan mula nang malaman mo ang tungkol sa homecoming ninyong magkakaklase ay talagang pinaghandaan mo na ito. Gusto mong maging magandang-maganda ka. Gusto mo rin namang muling makasama ang mga dati mong kaklase dahil kahit papaano’y nasasabik ka sa kanila. Pero may isang tao ka talagang gustung-gustong makita. Isang taong hinding-hindi mo makalilimutan. Isang taong nagmarka nang sobrang lalim sa iyong puso.

Sampung taon na ang nakalipas mula noong madamdaming araw ng inyong pagtatapos. Iginala mo ang iyong mga mata. Ang daming nagbago. Wala na ang mga dati ay pawisin at patpating batang kilala mo. Karamihan ay mga guro na, inhinyero, may mga namamasukan sa opisina at ang iba ay nagsimula ng maliliit na negosyo. Mayroon din namang nagsipag-asawa nang maaga at ngayon ay may mga anak na.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iba pang naroon nang mapatingin ka sa pintuan ng bulwagang pinagdarausan ng pagtitipon. Nandito na siya. Ang taong kaninang-kanina mo pa hinihintay. Mas tumangkad siya ngayon ngunit walang nabago sa maamo niyang mukha. Parang kahapon lang mula nang huli mong pinagmasdan ang kanyang mga mata, ilong at labi. Nandoon pa rin ang nunal niya sa kaliwang kilay. At sa wakas ay ngumiti siya. Biglang lumakas ang kabog ng iyong dibdib at natakot kang baka masira ang tatag na kaytagal mong inipon.

“Long time no see,” bati nito sa ‘yo at sa iba pa ninyong mga kaklase.

Awtimatikong sumilay ang ngiti sa labi mo na ilang ulit mong sinanay sa harap ng salamin. Pigil na pigil mo ang panginginig nito. Hindi maaaring mahalata ninuman na kinakabahan ka. Kailangan mong ipakitang ayos ka na at hindi na apektado ng kanyang presensya.

“Kumusta? Lalo kang gumanda,” baling nito sa ‘yo.

“Salamat. Heto, okay naman. Masaya,” ang sagot mo sa masiglang tinig.

Tumangu-tango ito samantalang binati mo naman ang iyong sarili sapagkat maayos mong nasabi ang iyong linya. Pang-best actress kumbaga.

Naupo ito sa lamesang kinauupuan mo at masayang nakipagkwentuhan. Palihim mo naman itong pinagmamasdan. Malikot pa rin ang kamay nito kapag nagsasalita at malutong pa rin itong tatawa. Accountant na pala ito ngayon sa isang multinational company. Napagtapos na rin nito ang dalawang nakababatang kapatid.

“Sa susunod, sa kasal ko naman ang reunion,” ang sabi nito. Nagniningning ang mga mata.

Biglang nanigas ang leeg mo. Wala ka ring maapuhap na salita habang ‘di naman magkamayaw ang mga kaklase ninyo sa pagbati at panunukso. Gusto raw sanang sumama ng nobya nito ngayon ngunit naudlot dahil sa trabaho. Matagal na raw talaga nilang balak magpakasal at alam na rin ito ng kanilang mga magulang. Imbitado raw kaming lahat.

Kasal? Ikakasal na pala siya. Habang ikaw ay namumuhay pa rin sa kahapon. Tandang-tanda mo pa rin ang sakit ng unang pagkabigo ng bata mong puso. Araw-araw ay binabalikan mo ang mga masasayang alaala ng tatlong taon ninyong relasyon.

“Tatlong taon din ‘yon pero bakit tila nakalimutan mo na?” gusto mo sanang itanong sa kanya ngunit pinigil mo ang iyong sarili.

Hindi ka iiyak. Hinding-hindi ka iiyak. Dahil bakit ka naman iiyak? Ano ba ang karapatan mong umiyak? Hindi mo naman iniisip na babalikan ka niya, ‘di ba? Natural lang din naman na makahanap na siya ng babaeng iibigin sa haba ng panahon mula nang matapos ang lahat sa inyo. Mahirap lang talagang tanggapin na nakalimot na ang lahat at ikaw na lang pala ang naiwan sa nakalipas.

Batch 78’s 40th year

40th

It’s 2017 and we’d like to greet everyone a great new year. At the same time, we’d also like to remind all of you that 2018 is a milestone year for Batch ’78 as it celebrates its 40th anniversary.

Christopher “Toto” Panlilio, our batch’s president, has informed us about plans for a grand celebration. So please start brainstorming with your respective classes and relay to us your bright ideas.

Let’s make this anniversary a memorable one.

Isang dosenang klase ng high school student

bob ong

Sinulat ni Bob Ong

Ang sumusunod ay halaw sa libro ni Bob Ong (tignan ang pamagat sa ilustrasyon sa itaas). Makikita mo kaya ang iyong sarili sa mga tipo ng estudyanteng ihahanay niya? Aba, tayo nang magbasa at sabihin sa amin kung sino ka sa mga ito …

Clowns – Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Geeks – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.

Hollow Man – May dalawang uri ng HM virus, ang type A at type B. Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

Spice Girls – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

Da Gwapings – Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.

 Celebrities – Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskwelahan at kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitirian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.

Guinnees–  Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.

Leather Goods – Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.

Weirdos – Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.

Mga Anak ni Rizal – Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.

Bob Ongs – Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang nagle-lecture ‘yung teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.

Commoners – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.

Kainan at kwentuhan

Mark your calendar! This Sunday, August 7, from 5pm, is our planned get-together. The event will be held at Spring Deer Restaurant on Timog Avenue, Quezon City. Please confirm your attendance by texting or messaging Remy Tuazon or Ruby Gaviola-Guevarra. Long-lost classmates, like Rorie Quijano and Mel Abas, will be there. The event is also open to our former teachers and batchmates. Please do come.

Medical mission

medical mission

We got hold of this photo last month and it is only now that we managed to post it on the site. It was taken during the SM Foundation’s medical mission at SM City San Lazaro last May. With Doc Rorie Quijano-Siasoco are her daughter, Rebecca (leftmost) and youngest sister, Riza (rightmost), both of whom also volunteered during the medical mission. Dropping by to see them was our former YDT teacher, Miss Rodelia Tangco.

Kaybuti ni Itay

baranggay article

Balak sana naming ilathala ang artikulong ito noong nakaraang Araw ng mga Tatay. Pero dahil sa maraming kaabalahan ay hindi na ito umabot. Kwento ito na sinulat ng aming kamag-aral na si Eva Llabres at nalathala sa Ang Baranggay (Setyembre-Oktubre 1977). Sana ay inyong magustuhan.

At pakiabangan na rin ang mga kwentong sinulat nina Lito Parungo, Jaime Borja, Ariel Dimacali, at iba pang kamag-aral.

***

Kaybuti ni Itay

Sinulat ni Minerva D. Llabres

Pangkaraniwang tsuper lamang si Itay. Nguni’t gayunpaman isa-isa niyang napag-aral ang aking mga kapatid ng mga kursong ibig nila. Aywan, nguni’t marahil ay sadyang bigo siya sa aking mga kapatid sapagka’t isa-isa silang nagsipag-asawa ilang buwan lamang makalipas ang kanilang pagtatapos.

Continue reading “Kaybuti ni Itay”